• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 9:12 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2022

Proklamasyon ng mga nanalong party-list, sabay-sabay na ipoproklama sa Mayo 25 – Comelec

Posted on: May 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

POSIBLENG sabay-sabay na ipoproklama ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na linggo ang mga nanalong party-list groups.

 

 

Ayon kay Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco, kapag natapos na raw ang special elections sa Lanao del Sur at kung hindi na makakaapekto sa bilangan ang mga certificate of canvass mula sa Shanghai sa China ay puwede na silang magproklama.

 

 

Aniya, kapag walang magiging aberya sa special elections ay puwede nang iproklama ag mga nanalong partly-list sa Mayo 25.

 

 

Muling ipinaliwanag ni Laudianco na ang nasa 685,643 na boto sa Lanao del Sur at ang 1,991 votes naman sa Shanghai ay malaki pa rin ang epekto ranking o pagkakasunod-sunod ng mga party-list groups.

 

 

Samantala, dahil hanggang sa susunod na linggo na lamang ang kontrata ng Comelec na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC) sa Forum Tent sa Philippine International Convention Center (PICC) ay pinag-uusapan na raw nila kung lilipat ang mga ito ng venue para sa proklamasyon.

 

 

Aniya kailangan daw kasi ang maluwag pa rin na espasyo sa proklamasyon dahil kailangan pa ring sundin ang minimum health standards.

 

 

Malabo raw itong isagawa sa Palacio del Gobernador na min office ng komisyon dahil masikip ang doon at ikinokonsidera rin nila ang isyu sa seguridad.

 

 

Kung maalaala, Huwebes sana ipoproklama ng Comelec ang mga nanalong party-list kasunod ng pag-proklama na sa 12 nanalong senador kahapon. (Daris Jose)

BBM, Comelec pinasasagot ng SC sa DQ case

Posted on: May 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINASASAGOT  ng Supreme Court (SC) ang kampo ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang Commission on Elections (Comelec) ukol sa iniakyat sa kanilang disqualification case laban sa una.

 

 

Bukod sa kanila, pinasasagot din ng SC ang Senado at ang House of Representatives, na isinampa sa petisyon na isinumite nina Fr. Christian Buenafe at iba pa.

 

 

Sa En Banc Resolution na may petsang Mayo 19, 2022, pinasasagot ang mga respondents sa loob ng 15 araw makaraang matanggap ang ‘notice’ ukol sa mga alegasyon na hindi nabigyan ng tamang proseso ang petisyon na isinampa sa Comelec laban kay Marcos.

 

 

“WHEREAS, considering the allegations contained, the issues raised and the arguments adduced in the Petition, without necesssarily gi­ving due course thereto, it is necessary and proper to REQUIRE the respondents to COMMENT on the petition and prayer for temporary restraining order,” ayon sa SC.

 

 

Sa inihaing petisyon noong Mayo 16, kinuwestiyon ng grupo nina Buenafe ang mga reso­lusyon ng Comelec na may petsang Enero 17, 2022 at Mayo 10, 2022, na nagbabasura sa petisyon nila kontra kay Marcos.

 

 

Nakasaad sa kanilang petisyon na nararapat na tanggihan o kanselahin ng Comelec ang inihaing ‘Certificate of Candidacy’ ni Marcos para sa posisyon ng Pangulo ng bansa.

 

 

Ikinatwiran ng grupo ni Buenafe na nakagawa ng krimen ukol sa ‘moral torpitude’ at perjury si Marcos dahil sa maling nakalahad sa kanyang COC sa kanyang ‘eligibi­lity’ sa pagtakbo kaugnay sa kaso ng hindi pagbabayad ng buwis. (Daris Jose)

300 PAMILYA, NASUNUGAN SA BASECO SA MAYNILA

Posted on: May 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa ika-apat na alarma ang naganap na sunog sa isang residential area sa Baseco  Compound sa Maynila kagabi.

 

 

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa  Manila, umabot na sa mahigit-kumulang isang milyon piso ang halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy sa Block 17 Old Site, Baseco sakop ng Brgy.649

 

 

Nagsimula ang sunog dakong alas-7:00 kamakalawa ng gabi sa dalawang palapag ng bahay  at mabilis na kumalat ang apoy  at agad nadamay ang  mga kalapit na bahay dahil pawang mga gawa  sa mga light materials.

 

 

Nasa tatlong daang pamilya na kasalukuyang nasa Baseco evacuation center .

 

 

Dahil sa laki ng sunog at may mga barko na hindi makaalis sa lugar dahil low tide , ang firefighting unit ng Philippine Coast Guard (PCG) ay tumulong na rin para maapula ang sunog.

 

 

Idineklarang fire under control ang sunog pasado alas 9 ng gabi.

 

 

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon hinggil sa pinagmulan ng sunog. (GENE ADSUARA )

Dahil ramdam ang pag-aalaga at pagmamahal: ANGELICA, palagi na lang napapaiyak sa natatanggap kay JUDY ANN

Posted on: May 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ASTIG ang dating ng bagong tattoo ni Nadine Lustre.

 

 

Isang malaki-laki rin na dragon ang pina-tattoo niya sa kanyang back right shoulder and upper arm.

 

 

Tingin namin, ito na ang pinaka-malaking tattoo na ipinagawa ni Nadine sa kanyang balat. At umaani naman ito ng mga fire emojis at papuri mula sa mga netizens at ibang mga kasama niyang artista.

 

 

Ilan sa mga comments sa tattoo ni Nadine, “I’m obsessed with that tattoo and the girl.”

 

 

“The most beautiful dragon tattoo I’ve ever seen.”

 

 

“A woman like no other.”

 

 

“She is strong like a dragon.”

 

 

***

 

 

PALAGING napapaiyak ni Judy Ann Santos si Angelica Panganiban.

 

 

Walang duda na sobrang nata-touch si Angelica sa tuwing maaalala siya ni Juday.

 

 

Ilang beses na naming nakikita sa mga posting ni Angelica na naiiyak siya tuwing may matatanggap na something from Juday. Mula nga nang magkasama ang dalawa sa movie na Ang Dalawang Mrs. Reyes ay naging super close na ang mga ito.

 

 

Nakatanggap na naman si Angelica mula kay Juday ng mga “Mama Must Haves” items since mukhang malapit na nga rin siyang manganak.

 

 

At sabi ni Angge, “Ang sarap mag-alaga at magmahal ng nag-iisang ate @officialjuday.

 

 

“Sure akong hindi hormones ang nagpaiyak sakin. Talagang nakakaiyak yung care na nakukuha ko mula sayo ate. Thank you and we super love you ninang.”

 

 

Obviously, bukod sa napakaraming kaibigan ni Angelica na mga ninong at ninang na ng kanyang baby na kung tawagin niya ay “Bean,” isa na nga si Juday rito.

 

 

Nagkita-kita rin sina Angelica at dalawa sa closest friends niya na sina Glaiza de Castro at Maxene Magalona at kitang-kita na “in a very good place” ngayon si Angge at masayang-masaya ito piling ng boyfriend na si Greg Homan at sa magiging baby nila.

 

 

***

 

 

NAKU, siguro naman ay hindi na ipu-push ng ilan ang pang-iintriga sa pagitan nina Barbie Imperial at Xian Lim na nakuhanan lang ng picture na magkasama sa Palawan.

 

 

Eh, mukhang may bago na namang boylet o boyfriend si Barbie. Nakunan ito o may lumabas na pictures nila ng non-showbiz guy. Though, hindi lang naman si Barbie at ang guy ang magkasama, but a group of men na mukhang magkakabarkada sila.

 

 

Siyempre, bashers attack dahil parang wala raw sa bokabularyo ni Barbie ang pahinga. Ilan sa mga comments:

 

 

“Konti preno.”

 

 

“There are many fish in the ocean. Babae ka.”

 

 

“Hoy teh, wala bang period of vacancy.”

 

 

Ang huling nabalitang boyfriend ni Barbie ay si Diego Loyzaga. At kung may mga nega comments, meron din namang nagsasabi na, let her be.

 

 

“She’s enjoying her young and single life. Judge mo na lang siya kung may asawa na at ugaling dalaga pa din ha,” pagdepensa ng isang netizen kay Barbie.

 

 

 

(ROSE GARCIA)

Warriors inisahan ang Mavericks

Posted on: May 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BUMALIKWAS ang Golden State Warriors mula sa malamyang panimula para kunin ang 112-87 panalo sa Dallas Mavericks sa Game One ng kanilang Western Conference finals.

 

 

Naglista si Stephen Curry ng 21 points at game-high na 12 rebounds para akayin ang Warriors sa 1-0 lead sa kanilang serye ng Mavericks.

 

 

May tig-19 markers sina Andrew Wiggins at Jordan Poole at iniskor lahat ni Klay Thompson ang kanyang 15 points sa second half.

 

 

Nilimitahan ng Golden State si superstar guard Luka Doncic sa 20 points sa panig ng Dallas mula sa depensa ni Wiggins.

 

 

Humataw si Doncic ng average na 31.5 points sa playoffs bago siya pinatahimik ni Wiggins.

 

 

“Just make him work, that was the main thing,” wika ni Wiggins sa ginawa niyang pagbabantay kay Doncic na nakalmot niya sa kanang bahagi ng mukha.

 

 

Ang magkasunod na triples ni Doncic ang naglapit sa Mavericks sa 45-54 agwat sa halftime hanggang bumida sina Curry at Thompson para sa pagtatala ng Warriors sa 19-point lead sa third quarter.

 

 

Naghulog ang Golden State ng 8-0 bomba sa pagsisimula ng fourth period para ilista ang 96-69 bentahe patungo sa paggupo sa Dallas.

China aircraft carrier, nagsagawa ng drills sa Philippine Sea

Posted on: May 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA ang Liaoning aircraft carrier ng high-intensity drills sa Philippine Sea ngayong buwan habang hinahasa naman ng PLA navy ang skills nito.

 

 

Sinabi ng Military analysts na ang exercise ay makapagbibigay ng reference point para sa training at operations kapag ang bansa ay nakakuha ng mas advanced carriers

 

 

“Ongoing drills involving China’s Liaoning aircraft carrier offer pointers to how training plans for future carrier strike groups will develop,” ayon sa military analysts.

 

 

Nagpalabas naman ang Japanese defense ministry ng detalye ng exercises sa Philippine Sea at nagpahayag na ang carrier’s J-15 fighters ay nakapagsagawa ng 200 sorties sa panahon ng first 10 days ng exercise, na nagsimula noong huling bahagi ng nakaraang buwan.

 

 

“Z-18 anti-submarine and early-warning helicopters were also taking part in the drills. China has not confirmed any details of the drills,” ayon sa Ministry.

 

 

“It’s not clear whether ship-borne aircraft have taken part in night flight drills, but such training is more intense compared with previous drills that were disclosed to the public,” ayon naman kay Lu Li-shih, dating instructor sa Taiwanese Naval Academy.

 

 

Sinasabing mayroong pitong escort ships ang napaulat na kasama ng Liaoning – kabilang na ang Type 055, “most powerful and largest destroyer” ng bansa, three Type 052D destroyers, supply ship at dalawang iba pang vessels – upang bumuo ng China’s biggest ever strike group formation.

 

 

“The ongoing large-scale training operation aims to test and develop training guidelines and a doctrine for ship-borne aircraft carrier deck operations, high-sea logistic support and other details, which will provide a reference point for the navy’s third aircraft carrier, the Type 003,” ayon kay Lu.

 

 

Ang pangatlong aircraft carrier ay inaasahan naman na ilulunsad ngayong taon na mayroong advanced launch system kumpara sa Liaoning at sa sister ship nito na Shandong.

 

 

“Except for the catapult take-off systems, all other operations on the new platform of the Type 003 will be very similar to the Liaoning,” ani Lu.

 

 

Ang Liaoning carrier group ay nagsimulang mag-operate mahigit sa 20 araw na, “right at the limit for the Soviet-designed ship,”ayon sa analysts .

 

 

“After high-frequency training in the first 10 days, aircraft on the Liaoning have reduced take-offs and landings to several sorties a day,” ang pahayag naman ni Macau-based military observer Antony Wong Tong .

 

 

“The Liaoning is just a training platform, yet on a real combat-ready carrier, pushing too hard will cause accidents.” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Apektado habang pinapanood ang ‘Artikulo 247’: KRIS, pinanggigilan ng viewers at awang-awa na kay RHIAN

Posted on: May 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

THANKFUL sina Kapuso Royal Couple Dingdong Dantes and Marian Rivera, sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanila.

 

 

Nagpasalamat din sila sa mga netizens na sumubaybay sa kanilang first sitcom together, ang Jose and Maria’s Bonggang Villa na nagtala ng mataas na rating sa premiere showing nito last Saturday, May 14, 7:15PM sa GMA-7 na kinaaliwan ng mga viewers.

 

 

Ngayon ay maraming nagsasabing netizens na sana, huwag munang magtapos ang number one game show here and abroad, ang Family Feud hosted by Dingdong, Mondays to Fridays, 5:45PM sa GMA-7. Pampaalis daw ng pagod ang panonood nito at nakikisagot sila sa mga itinatanong ni Dingdong sa dalawang team na kasali sa game.

 

 

At patuloy din ang blessings kay Marian, na ngayon ay may bagong endorsement, isang bagong brand ng shampoo and conditioner. Ini-launch na ito ni Marian sa Instagram and Facebook Live ng product.

 

 

Nag-promise naman ang million fans ni Marian na susuportahan sa bago niyang endorsement. Napapanood din si Marian hosting every Saturday sa OFW documentary show na Tadhana sa GMA-7.

 

 

***

 

 

NANGGIGIL na ang viewers kay Kris Bernal at awang-awa naman sila kay Rhian Ramos habang pinapanood nila ang GMA Afternoon Prime na Artikulo 247.

 

 

Parehong mahusay na aktres ang magkalabang sina Klaire/Carmen (Kris) at MJ (Rhian) sa naiibang story ng serye. May rich husband si Klaire, pero may boyfriend din siya, si Julian (Mike Tan), Nagkukunwari lang mabait si Klaire pero ang totoo ay nambibiktima lamang sila ni Julian ng mga lalaking pinakakasalan niya.

 

 

Nakilala ni Klaire si MJ na employee ng asawa niya. Napatay ni Klaire ang husband niya at kay MJ niya isinisi. Pinalayas si Klaire ng mother-in-law niya pero nakuha naman niya ang lahat ng kayamanan ng asawa na para sa kanya.

 

 

Nangibang lugar si MJ at nagtrabaho sa isang beach resort at dito sila muling nagkita ni Klaire na pakilala na ay Carmen. Iyon pa rin ang trabaho ni Carmen at ni Julian. Naging asawa ni Carmen si Elijah (Mark Herras) anak ng may-ari ng beach, kapatid nito si Noah (Benjamin Alves) ang naging boyfriend ni MJ.

 

 

Lahat ng kasamaan ay gagawin ni Carmen kay MJ para maitago niya ang tunay niyang identity. Sa isang insidente si Elijah ang nabaril ni Carmen, pero si MJ ang itinuro niyang may kasalanan.

 

 

Sa natitirang last three weeks ng serye, malusutan kaya ni Carmen ang mga kasalanan niya?

 

 

Napapanood ang Artikulo 247 at 4:15 PM after Raising Mamay sa GMA-7.

 

 

***

 

 

MARAMING nagtatanong bakit iniwan na ni Kapuso actress Beauty Gonzalez ang dati niyang manager, si Arnold L. Vegafria at ang ALV Management nito?

 

 

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ni Becky Aguila ng Aguila Artist Management si Beauty, pero walang magbigay ng sagot tungkol sa pag-alis ni Beauty. Nang tanungin ang ALV Management, si Beauty na raw lamang ang tanungin, ganoon din naman si Becky, mas mabuti raw manggaling kay Beauty ang sagot sa tanong sa kanila.

 

 

Sa ngayon ay nasa second leg na ng lock-in taping si Beauty ng The Fake Life kasama sina Ariel Rivera, Sid Lucero, Bea Binene at Jake Vargas. Mapapanood na sila starting June 6, kapalit ng Artikulo 247 na magtatapos sa June 3, 2022.

 

 

***

 

 

NARANASAN pala ni Winwyn Marquez ang post partum disorder after two weeks na she gave birth to her baby girl na si Luna.

 

 

Nakaramdam daw siya ng pressure, kaya iyak lamang siya ng iyak ng ilang araw. Nakabuti raw naman sa kanya na may nakakausap siya. Instagram post niya:

 

“For two weeks, there are times that I find myself fold under pressure of it all and cry for days pero natutunan ko that I shouldn’t be afraid to ask help because even if I think I can do everything alone and be a super mom with my new born – I can’t, yet.

 

 

“Laking tulong na may kausap na kaibigan and family, lalong tulong na supportive ang partner… a simple hug ang paalaala na nandiyan lang siya, malaking bagay na. Sabi nga nila, it will be a little easier as days go by.”

 

 

(NORA V. CALDERON)

BRP TERESA MAGBANUA, GAGAMITIN SA PAGPAPATROLYA

Posted on: May 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

GAMITIN  sa pagpapatrolya ang bagong barko na BRP Teresa Magbanua ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea (WPS) sa sandaling makabalik ito mula sa  Regional Marine Pollution Exercise (Marpolex) 2022 sa Indonesia.

 

 

Sinabi ni  PCG Rear Admiral Bobby Patrimonio, ng  PCG Marine Environmental Protection Command, na ang nasabing barko ay gagamitin sa  “sovereign patrol” at palakasin ang maritime border security ng bansa.

 

 

Ayon kay Patrimonio, nagbigay ng direktiba si PCG Admiral Artemio Abu sa mga barko na muling magpatrolya sa WPS , sa Benham Rise.

 

 

Dagdag pa, ang BRP Teresa  Magbanua aniya ay handa na maghatid ng mga kalakal at tao sakaling magkaroon ng maritime incident o anumang sakuna.

 

 

Sa ngayon ang BRP Teresa Magbanua at ilan pang barko ng PCG ay naglalayag na patungong Makassar,Indonesia para lumahok sa Marpolex 2022 na gaganapin sa May 22 hanggang 29.

 

 

Makakasama ng PCG sa aktibidad ang Directorate General of Sea Transportation (DGST) ng Indonesia at Japan Coast Guard (JCG).

 

 

“Ang kahalagahan nito ay ang mapagtibay at paghandain iyong tauhan natin at saka iyong mga tauhan ng Indonesia in case of any transboundary oil spill,” sabi ni Patrimonio

 

 

Ayon pa sa opisyal, ang  “interoperability” nang  barko ng PCG ay masusubok din sa panahon ng pagsasanay.

 

 

Nitong Lunes ay isinagawa ang send-off ceremony para sa BRP Teresa Magbanua bago naglayag para sa  Marpolex 2022.

 

 

Kasama rin sa pagsasanay ang  BRP Gabriela Silang, BRP Malapascua, at BRP Cape Engaño ng PCG. (GENE ADSUARA)

Senator-elect Francis Escudero, ikinokonsidera ang Senate presidency bid – Tulfo

Posted on: May 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IBINAHAGI ni Senator-elect Raffy Tulfo na ikinokonsidera umano ni Senator Francis “Chiz” Escudero ang Senate presidency.

 

 

Ayon kay Tulfo, tinawagan niya si Escudero para tanungin kung may balak itong tumakbo para sa mataas na posisyon sa Senado. Aniya, pinag-iisipan pa ni Senator Escudero hinggil sa naturang usapin.

 

 

Isiniwalat din ni Tulfo na nakatanggap na rin siya ng tawag mula sa ibang mga senator na nagsabi sa kaniya ng kanilang mga programa sakaling sila ang mahalal na Senate president subalit wala naman aniyang nagkumbinsi sa kaniya na suportahan sila.

 

 

Ayon kay Tulfo, ilan sa mga tumawag sa kaniya ay sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri gayundin su Seantor Cynthia Villar at si Senator Imee marcos na napaulat na ikinokonsidera ang posisyon bilang Senate president pro tempore.

 

 

Sa ngayon wala pang desisyon si Tulfo kung sino ang kaniyang susuportahan na maging susunod na Senate president subalit kanyang ikokonsidera sa pagpili ang katangian ng senador.

Esport team ng bansa nakakuha na ng 1 gold medal sa SEA Games

Posted on: May 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKAKUHA na ng gold medal sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam ang pambato ng bansa sa Esports.

 

 

Ito ay sa pamamagitan ng Sibol Wild Rift Women’s Team.

 

 

Na-sweep nila ang competition sa near perfect tournament.

 

 

Unang sweep nila ay ang group stage na nagtapos sa 4-0 card na sinundan ng 3-1 panalo sa semifinals laban sa Thailand.

 

 

Pagdating sa finals ay hindi nila pinaporma ang Singapore 3-0.

 

 

Ang Sibol Wild Rift Women’s Team ay binubuo nina: Christine “RAY RAY” Natividad, Rose Ann “HELL GIRL” Robles, Charize “YUGEN” Doble, Giana “JEEYA” Llanes, April “AEAE” Sotto, at Angel “ANGELAILAILA” LOZADA.