• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 4:03 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2022

BIR pinagpapaliwanag sa kinanselang Megaworld closure order

Posted on: May 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAIS ni House Ways and Means Chair Joey Sarte Salceda (Albay) na magpaliwanag ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa ginawa nitong kanselasyon sa closure order ng Megaworld Corporation.

 

 

“That was a bizarre series of events that leaves us with more questions than answers. Why was the order issued? Why was it cancelled if the order had already been issued? On what grounds can the BIR just do that to one of the largest firms in the country, that is listed publicly besides?” pagtatanong ni Salceda.

 

 

Ayon sa mambabatas, nagtanong-tanong siya sa ilang kasamahan sa investment management industry, kung saan inihayag ng mga ito na siniguro ng ilan nilang sources na ‘fake news’ ito.

 

 

“ What’s fake news? The closure order issuance? The fact that it was planned? And if it was ‘fake news,’ why is Megaworld now saying that there was some disagreement with the BIR over audit?”anang kongresista.

 

 

“The exercise was so arbitrary, with a very strange scheduled press conference. And that does nothing for business confidence – that you can close a publicly listed corporation over an audit disagreement so drastically,” dagdag ni Salceda.

 

 

Giit ng mambabatas, dapat na maging mas transparent at mas ‘by-the-book’ ang tax authority ukol sa tax system at pamamaraan ng enforcement.

 

 

“We need revenues, for sure, and we need to punish businesses that refuse to pay taxes correctly. But a closure order on the basis of a protest over jurisdiction seems overboard. So, as the Congressional committee chair overseeing tax enforcement, I just want answers,” ani Salceda.

 

 

Nais din nitong malaman mula sa Department of Finance, lalo na sa Revenue Operations Group, kung batid nito na mangyayari ito at kung hanggang saan. (ARA ROMERO)

Ads May 21, 2022

Posted on: May 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Comelec, patutunayang walang iregularidad sa katatapos na halalan- Malakanyang

Posted on: May 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Commission on Elections (Comelec) na patunayan na walang iregularidad sa katatapos lamang na May 9 national at local elections.

 

 

Sinabi kasi ng International Observer Mission (IOM) ng International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP) na ang katatapos lamang na eleksyon sa bansa ay “were not free and fair.”

 

 

Inulit naman ni Acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na naniniwala siyang  walang dayaan at iba pang voting irregularities sa katatapos lamang na halalan sa bansa.

 

 

“We reiterate what President Rodrigo Roa Duterte said during his May 11, 2022 Talk to the People Address that there are no voting irregularities. Let us respect the outcome of the election and give chance to the winning candidates to fulfill their campaign platform,” anito.

 

 

Aniya, hahayaan ng Malakanyang ang Comelec na sagutin ang alegasyon ng IOM.

 

 

“…To dispel doubts of some quarters such as the Philippine Election 2022 International Observer Mission, which has been quoted as saying ‘the May 9 election did not meet the standard of free and fair’ we leave the matter to the Commission on Elections,” ani Andanar.

 

 

Nauna rito, inilabas na ng International Observers Mission o IOM ang kanilang naging obserbasyon sa katatapos na halalan sa bansa.

 

 

Sa virtual forum ng International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP), inilatag nila ang kanilang mga naging pag-aaral sa halalan sa Pilipinas simula nang umarangkada ang kampanya noong February 2022.

 

 

Sabi ni IOM Commissioner at Belgian Parliamentarian Severine De Laveleye, napakahalaga ng halalan hindi lang sa mga Pinoy kundi pati na rin sa international community.

 

 

Sinabi ni De Laveleye na hindi naging patas ang pagdaraos ng halalan sa Pilipinas na nabahiran ng talamak na vote-buying, red-tagging sa mga kandidato at kaliwa’t-kanang karahasan.

 

 

“The last Philippine election was marred by widespread irregularities and violence which undermine the democratic process. The elections took place in the most suppressive context since the time of dictator Marcos. The Duterte government orchestrated state terror, marshaling the entire machinery of the state,” aniya.

 

 

Sabi pa ni De Laveleye, nasaksihan ng kanilang local partners sa bansa ang karahasan sa isang demokratikong proseso ng pagboto sa Pilipinas kabilang dito ang ilang insidente ng political killings, pamamaril, political arrest at harassment sa mga kandidato at kanilang mga tagasuporta.

 

 

“Our observers and local partners were witness to ongoing violations of the democratic process across the Philippines. They noted problems with respect to political killings, shootings, abductions, death threats, political arrests, harassments, large-scale red-tagging, widespread vote-buying, media manipulation and oppression, fake news and arrests of journalists by the Marcos campaign,” dagdag ni De Leveleye.

 

 

Binigyang diin ni De Laveleye na kung pagbabasehan ang mga nangyaring karahasan at mali sa pagdaraos ng halalan sa Pilipinas ay hindi ito pasok sa standard ng isang malaya at parehas na halalan. (Daris Jose)

Pinay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz nakabawi, wagi pa rin ng gold medal sa 55kg women weightlifting

Posted on: May 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING nag-uwi ng Gold ang Olympics gold medalist  na si Hidilyn Diaz sa pagdepensa niya ng kanyang women’s 55 kgs weightlifting title kahapon Biyernes sa  31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Nagsimula ang laro ni Diaz dakong ala-1 ng hapon oras sa Pilipinas sa Hanoi Sports Training and Competition Center.

 

 

Sinabi ni Diaz na hind naging madali ang kanyang ginawang preparasyon.

 

 

Itinuring nito na matinding katunggali ang pambato ng Thailand na si Tanasan Sanikun dahil nagwagi ito ng gold medal noong 2016 Rio Olympics.

 

 

Tinalo niya si Diaz noon 53kg. category ng 2017 World Championships sa California.

 

 

Nasa Vietnam ang 31-anyos na si Diaz mula pa noong nakaraang linggo para doon isagawa ang kanyang training.

 

 

Mahigpit siyang binabantayan ng kaniyang head trainer na si Julius Naranjo, nutritionist Jeaneth Aro at sports psychologist Karen Trinidad.

Singaporean president, inimbitahan si Marcos Jr. para sa state visit

Posted on: May 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIMBITAHAN ni Singaporean President Halima Yacob si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa state visit kasabay ng pagbati nito sa dating senador para sa nakaumang na pagkapanalo nito sa Eleksyon 2022.

 

 

“On behalf of the people of the Republic of Singapore, I warmly congratulate you on your electoral success. Singapore and the Philippines share a warm and long standing relationship, underpinned by strong economic cooperation and robust people-to-people ties,” ayon kay Yacob sa liham nito na mey petsang Mayo 14.

 

 

“I recall fondly the warm and gracious hospitality extended to me by the Filipino people during my State Visit to the Philippines in September 2019. I look forward to working with you to strengthen the friendship between our two countries,” dagdag na pahayag nito.

 

 

“I would like to take this opportunity to invite you to make a State Visit to Singapore. I wish you every success in steering the Philippines to greater heights,” aniya pa rin.

 

 

Para naman kay Prime Minister Lee Hsien Loong, ang pagkapanalo ni Marcos Jr. ay nagpapakita lamang ng malakas na suporta ng taumbayan sa liderato at pananaw nito (Marcos) para sa bansa.

 

 

“The partnership between Singapore and the Republic of the Philippines is deep and longstanding, with close cooperation across many domains, including labor, trade and defense,” ayon kay Lee.

 

 

“As fellow founding members of ASEAN, we share a similar outlook on key regional and global developments, and work closely to promote regional peace and prosperity. I look forward to continuing our close cooperation for the benefit of our countries, peoples and the region,” dagdag na pahayag ni Lee.

 

 

“I wish you every success. I look forward to meeting you soon,” aniya pa rin.

 

 

Sa ulat, nakakuha si Marcos Jr., ng mahigit sa 31 milyong boto sa katatapos lamang na halalan sa bansa, na may 98.35% electoral returns ang na-proseso na. (Daris Jose)

Bilang ng mahihirap na pamilya, mahigit sa 43% – Anakpawis

Posted on: May 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

POSIBLENG mahigit pa sa 43% o 10.9 milyon  pamilyang Pilipino ang mahirap.

 

 

Ito ang reaksyon ng Anakpawis Party-list sa lumabas na Social Weather Station (SWS) poverty survey para sa unang bahagi ng taon.

 

 

Sa naturang survey na ginawa mula Abril 19 hanggang Abril 27, lumalabas na 43% ng mga Pinoy ang nag-rate sa kanilang sarili  bilang “mahirap” habang 34% naman ang naniniwalang sila ay nasa “borderline poor.”

 

 

Dalawampu’t tatlong (23%) prosiyento naman ang kinukunsidera nila ang sarili na “not poor,” ayon pa sa survey na ipinalabas nitong Miyerkules.

 

 

“Ang kailangan i-note rito ay dahil ‘self-rated.’  Dahil masyadong humble ang mga mahihirap na pamilya, inakala nilang kung may P15,000 sila kada buwan ay hindi na sila mahirap, na sa daily average household income, ito lang ay P500, na malinaw na kulang na kulang para buhayin ang isang pamilya,” ayon kay Ariel Casilao, Anakpawis Party-list National President sa isang press statement.

 

 

Lumabas pa sa survey na ang Self-Rated Poverty Threshold ay nasa P12,000- P15,000 kada buwan at ang Self-Rated Poverty Gap ay mula P5,000 hanggang P6,000.

 

 

Sinabi ni Casilao na makakatulong ang survey na maipakita ang national poverty situation, ngunit malayo ito kabuuang sitwasyon.

 

 

“Mas makikita ang tunay na bilang ng mahirap na pamilya sa Family Income and Expenditure Survey, kung saan 80% o 19.7 milyong pamilya ang nabubuhay lamang sa P1,000 at mas mababa na household income kada araw,” pahayag pa ni Casilao.

 

 

Kung Family Living Wage ang ginamit aniya ng SWS ay mas magiging superyor ito, at maaari pa ngang gamitin ito sa mga policy recommendation, laluna ngayong kailangan ng ayuda ng mga mahihirap na pamilya, gayundin ang mga small-and-medium enterprises na tinamaan ng inflation bunsod ng walang katapusang oil price hike.

 

 

“Established fact na kasi na napakaraming mahihirap ngayon sa bansa tulak ng krisis pang-ekonomiya, ang kailangan ngayon ng mga maralitang sektor ay mga makabayan o maka-masang survey, study o research na kapaki-pakinabang at magsisilbing batayan ng mga kanilang panawagan para itaas ang sahod, regularisasyon sa trabaho at seguridad sa kabuhayan, at sapat na ayuda,” pagtatapos ni Casilao. (ARA ROMERO)

Doon lang nag-sink in na tuloy na tuloy ang paglipad niya: JANE, mangiyak-ngiyak nang naisuot na ang costume at headdress ni ‘Darna’

Posted on: May 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IPINAKILALA na ang Darna TV series star na si Jane de Leon bilang new brand ambassador ng Sante Barley and Daily C sa ginanap na launching sa Dusit Thani Manila sa Makati City.

 

 

At sa naganap na short media interview, ibinahagi ni Jane na napanood niya halos lahat ng Darna movies and series, pero ang pinaka-tumatak sa kanya ay ang pagganap ni Angel Locsin.

 

 

Pahayag ni Jane, “lahat naman po, actually, tumatak po talaga, siyempre, Ms. Angel.”

 

 

Pagsisiwalat pa niya, “may mga binigay naman siya sa aking mga tips, siyempre kailangan ko talagang maging handa physically and ready dapat ako anytime.

 

 

“Sabi niya sa ’kin kapag pagod ako, sabihin ko lang daw talaga na I need to take a rest,.”

 

 

Hindi rin niya itinago na naging emosyonal siya nang sa wakas ay naisuot na ang costume na matagal din niyang hinintay.

 

 

“Nag-fitting na po ako and nasuot ko na rin po ‘yung costume, surprise po ‘yan,” sabi pa niya.

 

 

“‘Yung headdress pagkasuot po sa ’kin, mangiyak-ngiyak na po talaga ako, umiyak po talaga ako. After ilang years, 2019 po kasi ako in-announce and nasukat ko ‘yung costume last year.”

 

 

Dagdag pa ng pinakabagong Darna na malapit na lumipad sa ABS-CBN channels, “parang doon lang po talaga sa’kin nag-sink in na, this is it.”

 

 

Ang Mars Ravelo’s Darna: The TV Series ay mula sa direksyon ni Chito S. Roño at bali-balitang ito ang ipapalit sa timeslot ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin na nalalapit na ang pagtatapos.

 

 

Samantala, may pahayag si Mr. Joey Marcelo, ang Chief Executive Officer ng Santé sa pagkakapili nila sa young actress, “more than all the characters that Jane De Leon portrays in her movies and teleseryes, we know that she is always kind and compassionate and uses her strength and influence to help others.

 

 

“And because it is our commitment to helping everyone live better lives, Jane perfectly embodies what Santé is all about. She represents the hardworking and dedicated Filipinos who have risen to become heroes of their families, especially amid these uncertain times,”

 

 

Say naman ni Jane, “before we can become heroes for others, we need to ensure that we are strong and healthy. I have always considered health and wellness very important, especially now that we face a global health crisis. I am very grateful to be a part of the Santé family.

 

 

“As the new brand ambassador of Santé Barley TM and Daily-C, I hope that I can encourage more Filipinos to take care of their health so that they can take good care, even more, of their families and loved ones,” said De Leon.

 

 

Ang Santé Barley, ang flagship product ng company, na gawa young barley grass and turned into powder and capsule forms. Kaya nakasisigurong nagtataglay ito ng pure organic barley grass na mayaman sa vitamins and minerals na makatutulong to detoxify the body, lower bad cholesterol, aid digestive health, deliver a good number of antioxidants, assist wound healing, bone formation, and many more.

 

 

Ang isang glass or capsule ng Santé Barley fortifies the body with Vitamin C, zinc, calcium, amino acids, magnesium, iron, B-vitamins, and carotenoids, na essential para sa immune system an extra boost. Ang healthy goodness ng Santé Barley™ ay certified organic ng Bio Gro, na renowned organic produce and products organization sa New Zealand.

 

 

Samantala ang Daily-C, ay ascorbic acid neutralized with sodium. Meron na itong three variants: Daily-C 500mg, Daily-C 750mg, at Daily-C Plus, ito ay sodium ascorbate na fortified with zinc para extra level of protection. May pH range ito ng 7.0 to 8.0, lahat ng variants are gentler on the stomach at safe inumin ng araw-araw.

 

 

Nakatutulong ang Vitamin C para ma-reinforce ang immune system, decreases Vitamin C deficiency, and aids in the body’s iron absorption, collagen formation, and wound healing.

 

 

Ang Daily-C variations ay nilagay sa vegetable capsules na ideal para sa mga vegetarian.

 

 

Ang Santé Barley, Daily-C, at iba pang Santé products are organic health and wellness products na known for developing a comprehensive selection of everyday barley-based products. Dinesign ito para ma-improve ang quality of life ng mga tao, to live more and do more.

(ROHN ROMULO)

COVID-19 surge binabantayan vs Omicron sub-variant

Posted on: May 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

POSIBLENG magkaroon ng panibagong COVID-19 surge sa bansa na maaaring idulot ng natuklasang mga lokal na kaso ng BA.2.12.1 Omicron sub-variant.

 

 

Ayon kay Health Epidemiology Bureau chief Dr. Alethea de Guzman, maaaring magdulot ng surge ang mga sub-variants na nakakaiwas sa ‘immunity’ ng isang tao na sasabayan pa ng pagbaba ng ‘immunity’ ng mga bakunado pero hindi pa nagpapaturok ng ‘booster shot’.

 

 

“Kung, number one, may papasok ngang bagong va­riant of concern na mas transmissible at tinatawag nating immune-escaping, meaning ‘yung epekto ng bakuna ay mas mababa,” ayon kay De Guzman.

 

 

Sinabi ng opisyal na 20% hanggang 27% na mas nakakahawa ang naturang sub-variant. Mayroon na umanong ilang lugar sa bansa ang nakapagtala ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 nitong mga nakalipas na buwan ngunit hindi naman nagtatagal.

 

 

Ang bagong subvariant ng Omicron ay nakita na sa 11 banyaga at tatlong Filipino.

 

 

Babala naman ni Dr. Rontgene Solante na posibleng muling tumaas ang kaso ng COVID sa bansa ng hanggang 500 kada araw dahil sa BA.2.12.1.

 

 

Sabi ni Dr. Solante, ang pagtaas ng kaso ay maaaring maranasan sa mga lugar na mababa ang bakuna at sa mga lugar na halos siksikan ang populasyon katulad ng Metro Manila.

 

 

Sa kabila nito, patuloy namang nakakapagtala ang Pilipinas ng mababang kaso ng COVID-19. Nitong Miyerkules, 103 bagong impeksyon lang ang naitala ng DOH habang nasa 2,241 ang aktibong kaso sa buong bansa na pinakamababa ngayong taon.

 

 

Pero ayon kay Solante, posible rin na hindi tugma ang naiiulat na bagong kaso dahil mababa o kakaunti ang magpapa-test kahit pa may mga nararamdamang sintomas. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Kahit wala pang sinasabi ang management ng ABS-CBN: Action serye ni COCO, balitang tatapusin na at papalitan ng ‘Darna’ ni JANE

Posted on: May 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING nagwagi sa isang festival ang bagong movie ni Direk Louie Ignacio titled Broken Blooms mula sa Bentria Productions.

 

 

Wagi ito as Best Narrative Feature sa Mokkho International Film Festival 2022 sa India.

 

 

Kamakailan lamang ay nagwagi ito ng Gold Remi Award at the Houston International Film Festival and Recognition from the Oporto International Film Festival in Portugal.

 

 

Winner din ng actors nito na sina Jeric Gonzales at Teri Malvar. Win si Jeric ng Critic’s Choice for Best Actor. Win din si Teri ng Critic’s Choice for Best Actress.

 

 

Sa ngayon ay competing ang Broken Blooms sa annual Harlem International Film Festival 2022.

 

 

Ayon kay Direk Louie, ipalalabas muna nila sa iba’t-ibang festivals ang pelikula bago ang release sa Pilipinas.

 

 

***

 

 

NAIPASA na ang bato. Abangan ang kanyang paglipad soon.

 

 

Yan ang sabi sa teaser ng Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon.

 

 

Malapit na kasi ipalabas sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TV5 ang action series under the direction of the great Chito S. Rono.

 

 

Kasama rin sa cast ng Darna sina Iza Calzado (the first Darna), Joshua Garcia at Janella Salvador.

 

 

Matagal na ang Darna project na ito na nung unang plinano ay si Angel Locsin dapat ang gaganap. Then it was announced na it will be given to Liza Soberano until the role was finally given to Jane.

 

 

Ito ang biggest break ni Jane dahil bida na siya and to be given the iconic role of Darna is a privileged.

 

 

Pero totoo ba na tatapusin na ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin dahil ang Darna diumano ang papalit sa time slot ng longest-running action serye ng Kapamilya Channel?

 

 

Ayon sa isang kaibigan sa ABS-CBN na ayaw magpabanggit ng pangalan, wala pa raw sinasabi ang management kung magtatapos na action serye ni Coco. Wala rin sinasabi ang management kung Darna nga ang siyang papalit sa time slot ng FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 

(RICKY CALDERON)

Bowlers, judoka sumikwat ng ginto

Posted on: May 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HABANG tuluyan nang inangkin ng host Vietnam ang overall champion ay nakikipaglaban naman ang Pilipinas para sa No. 3 seat sa medal standings ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi.

 

 

Dalawang gold medals lamang ang nakamit ng mga Pinoy athletes mula sa national men’s bowling team at kay judoka Rena Furukawa kahapon.

 

 

Mayroon ngayong 40 golds, 57 silvers at 77 bronzes ang Pinas na nahulog sa No. 4 sa ilalim ng Vietnam (152-90-82), Thailand (62-65-95) at Indonesia (41-61-56).

 

 

Habang tuluyan nang inangkin ng host Vietnam ang overall champion ay nakikipaglaban naman ang Pilipinas para sa No. 3 seat sa medal standings ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi.

 

 

Nag-ambag ng silver sina judokas John Viron Ferrer (men’s -90kg) at Keisei Nakano (men’s -73kg) at may bronze si Megumi Kurayoshi (wo­men’s -63kg).

 

 

Posible pang makahugot ng gold ang bansa mula sa boxing at esports.

 

 

Swak sa finals sina Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial (men’s -75) at Rogen Ladon (men’s -52kg) para makatiyak ng silver.

 

 

Minalas naman sina James Palicte (men’s -63kg), Josie Gabuco (women’s -48kg) at Riza Pasuit (women’s -57kg) para magkasya sa bronze.

 

 

Sa esports, umabante ang Team Philippines-Sibol sa finals ng Mobile Le­gends: Bang Bang men’s division matapos ang 2-1 panalo sa Singapore sa semis.

 

 

Nauna nang inangkin ng all-female team Sibol-Grindsky Eris ang ginto sa League of Legends: Wild Rift event.

 

 

Nagsulong ng silver sina IM Paulo Bersamina at GM Darwin Laylo (men’s team rapid), Christine Hallasgo (women’s marathon), archers Paul Marton Dela Cruz at Jennifer Chan (mixed team compound), wrestlers Alvin Lobreguito (men’s freestyle -57kg) at Jhonny Morte (men’s freestyle -65kg).

 

 

Samantala, nabigo ang national women’s volleyball team sa Vietnam, 23-25, 18-25, 16-25, sa pagtatapos ng preliminary at nahulog sa agawan sa bronze medal kontra sa Indonesia bukas.