• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 3:42 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2022

P300-B loan ng Duterte gov’t sa BSP, fully paid na – DOF

Posted on: May 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINAYARAN na umano ng “buo” ng pamahalaan ang natitirang P300 bilyon na provisional advances sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong araw.

 

 

Mas maaga kaysa sa petsa ng maturity na June 11 ayon sa Department of Finance (DOF).

 

 

Ito ay alinsunod na rin sa layunin ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na “unwinding liquidity support” mula sa BSP bago magsimula ang susunod na administrasyon.

 

 

Si Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang gabinete ay bababa sa puwesto sa Hunyo 30.

 

 

Sa pahayag na inilabas ng DOF, ang maagang pagbabayad ay naging posible sa pamamagitan ng mas maaga kaysa sa inaasahang pagbabalik ng ekonomiya sa pre-pandemic strength.

 

 

Lumawak ng 8.3 porsiyento ang gross domestic product (GDP) ng bansa sa unang quarter, dahilan upang ang Pilipinas ang pinakamabilis na lumalagong ekonomiya sa rehiyon ng ASEAN para sa panahong iyon.

 

 

Ang provisional advance ay isang panukala sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 7653 o The New Central Bank Act na nagpapahintulot sa BSP na palawigin ang short term financing sa gobyerno ng hanggang 20 porsiyento ng average na taunang kita sa nakalipas na tatlong taon.

Babaeng boksingero sa India nag-uwi ng gintong medalya sa World Boxing Championship

Posted on: May 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGWAGI ng gold medal sa Women’s World Boxing Championship sa Turkey si Nikhat Zareen ng India.

 

 

Tinalo kasi nito si Jitpong Jutamas ng Thailand sa score na 5-0 sa flyweight division of the championship.

 

 

Ito ang unang gintong medalya ng India sa championship mula ng magwagi si Olympic boxer Mary Kom noong 2018.

 

 

Zareen ang pang-limang babaeng boksingero sa India na nagwagi ng gold medal na sinundan niya sina Sarita Devi, Jenny RL at Lekha KC.

 

 

Bumuhos naman ang pagbati kay Zareen sa pangunguna ni Prime Minister Narendra Modi.

Matapos na laitin na kamukha raw ni ‘Petrang Kabayo’… RHIAN, ang witty ng sagot sa basher na pinaghuhugas siya ng pinggan

Posted on: May 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ANG witty nang sagot ng Kapuso actress na si Rhian Ramos sa isang basher na nanglait sa kanya.

 

 

Sinabihan lang naman si Rhian na kilala ring commercial model, singer, at race car driver ng basher ng, “Lookalike ni petrang kabayo, maghugas ka nalang ng pinggan hayop.”

 

 

At sa halip na mainis sa pinagsasabi ng basher, na hindi yata alam na isa si Rhian sa kino-consider na one of the most beautiful actresses sa bansa, idinaan na lang niya ito sa isang IG post kasama ang short video na nakalagay na, “When haters inspires you,” na kung saan pinagbigyan niya ang hiling ng basher na maghugas ng pinggan, pero isang kawali ang hinugasan niya at may caption ang IG post niya na, ‘Madali akong kausap.”

 

 

Aliw na aliw naman ang netizens sa nakapanood ng kanyang short video, na kung saan pinakita ang kanyang kaseksihan at kagandahan:

 

 

“I find Rhian spontaneous and witty. Magaling na aktres din sya kasi natural umarte. Bagay sya sa romcom.”

 

 

“Ang ganda kaya ni Rhian. Patingin naman ng mukha basher baka mas maganda pa ingrown ni Rhian sayo.”

 

“Hays ineffortan nya pa yung comment ni basher. Need pa ba may patunayan Rhian?”

 

 

“Ang ganda nya at sexy na hindi bastusin.”

 

 

“Ngeh kahit sya may basher. She’s pretty kaya?”

 

 

“Nakita ko to sa personal mala supermodel ang dating.”

 

 

“Pang model talaga katawan nya.”

 

 

“Nakita kuna sya sa personal,mas nagagandahan ako sa kanya sa tv kesa sa personal.”

 

 

“Nakita ko na rin sya sa personal. Sa track, actually. Pawisan sya after the race, walang makeup, pagod. Pero ang ganda pa rin nya.”

 

 

“Ganda kaya ni rhian sa personal. Mas maganda sa personal actually super nkakastarstuck. Ang tisay at matangkad na slim.”

 

 

“hahahaha daming time pero pang inis lol.”

 

 

“Susme kung petrang kabayo yan eh ano ng-comment dumi lng.”

 

 

“Sa last frame ng videow, aakalin mo si Anne Curtis eh.”

 

 

“Mas may hawig sya kay Denise Laurel.”

 

 

“One of the most beautiful faces in showbiz kaya siya. I sometimes wonder if bashers are insecure, had a bad childhood or sadyang masama ugali.”

 

 

“I actually find it funny. Buti nga sa basher, grabe, Petrang Kabayo, dapat pinakita mukha ng basher na yan.”

(ROHN ROMULO)

Tokyo Olympic bronze medalist Eumir Marcial, ibinulsa ang 3rd gold medal ng Phl sa boxing sa SEA Games

Posted on: May 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PANALO sa pamamagitan ng stoppage ang Tokyo Olympic bronze medalist Eumir Marcial laban sa East Timorese slugger Delio Anzaqeci sa unang round pa lamang ng kanilang pagharap sa 31st Southeast Asian (SEA) Games na ginanap sa Bac Ninh Gymnasium.

 

 

Ginamit ni Marcial ang kanyang jab para i-set up ang kanyang kalaban para sa isang right hook na nagpabagsak sa East Timorese.

 

 

Dahil sa mga binitawang hooks ni Marcial ay dalawang beses na binilangan ng eight count ng referee si Anzaqeci sa parehong round.

 

 

Matapos ang ikalawang 8 count ng referee sa East Timorese ay itinigil na nito ang laban at ibinigay kay Marcial ang 5-0 win.

 

 

Ito na ang ika-apat na SEA Games overall gold medal ng boksingero.

 

 

Samantala, ang defending champion Rogen Ladon ay naibulsa rin ang first boxing gold medal sa bansa matapos talunim ang Vietnamese na si Tran van Thao.

 

 

Nasungkit din ni Ian Clark Bautista ang gold medal para sa men’s featherweight title matapos payukuin ang Myanmar opponent na si Naing Latt.

‘Doctor Strange in the Multiverse of Madness’, 2022’s Highest-Grossing Movie For Now Surpassing ‘The Batman’

Posted on: May 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DOCTOR Strange in the Multiverse of Madness has become 2022’s highest-grossing movie at the box office so far, surpassing Matt Reeves’ The Batman.

 

 

The Sam Raimi-helmed sequel saw the return of original film stars Benedict Cumberbatch, Chiwetel Ejiofor, Benedict Wong, and Rachel McAdams. They were joined by Elizabeth Olsen and Marvel Cinematic Universe newcomer Xochitl Gomez as America Chavez. Reeves’ fresh take on the Caped Crusader saw Robert Pattinson star as the iconic hero.

 

 

Coming after the multiverse-opening Spider-Man: No Way Home, Doctor Strange in the Multiverse of Madness follows the MCU’s resident Master of the Mystic Arts as he is drawn into an adventure across different universes. Taking the young hero America Chavez under his protection, Strange (Cumberbatch) is forced to face fallen friends, twisted versions of himself, and new-yet-familiar versions of some of Marvel’s most beloved characters. And not long after surpassing Raimi’s three Spider-Man movies at the box office, Doctor Strange is set to break the records set by another superhero from a different universe.

 

 

As reported by Variety, Doctor Strange in the Multiverse of Madness has spent its third week at the top of the domestic and international box office charts, earning $342 million in North America and $461 million in international markets. In total, Doctor Strange in the Multiverse of Madness has now surpassed over $800 million in its complete box-office gross since its release on May 6th, making it the highest-grossing film of 2022 so far.

 

 

Multiverse of Madness surpassed the previous holder of the top spot, The Batman, by an estimated $35 million in its overall box-office gross, though it has still yet to surpass Reeves and Pattinson’s film domestically, as The Batman sits ahead of the Raimi-helmed sequel at an estimated $369 million.

 

 

The sequel’s performance is promising to Marvel Studios, whose releases made up 30% of 2021’s box-office takings as theaters gradually reopened following closures throughout the height of the COVID-19 pandemic. As Phase Four of the MCU made its theatrical debut following numerous delays and uncertainty, Marvel Studios’ dominated the domestic box-office of 2021, with Eternals, Black Widow, Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings, and Spider-Man: No Way Home placing themselves in the sixth, fourth, second, and first places respectively. No Way Home would also firmly place itself as the total highest-grossing film of 2021, becoming the first film to earn over one billion dollars at the box office since theaters reopened.

 

 

While Reeves and Pattinson’s future with The Batman is already guaranteed following the announcement of a sequel, Doctor Strange in the Multiverse of Madness is a promising sign of Marvel Studios’ 2022 financial success, as audiences become more confident in returning to the theaters. The sequel also saw a major step in the MCU’s storytelling, as it further tied the studio’s television releases to its cinematic releases in importance with its continuation of the narrative of WandaVision, so the sequel’s success could inspire confidence in further integration.

 

 

With Thor: Love and Thunder and Black Panther: Wakanda Forever currently scheduled to hit theatres in 2022, Marvel Studios is seemingly set for further box-office success throughout the year. (source: screenrant.com)

 

 

(ROHN ROMULO)

7 patay, 120 nasagip sa pagkasunog na barko malapit sa Quezon

Posted on: May 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang pito kataong lulan ng barkong MV Mercraft 2 malapit sa Baluti Island, Barangay Cawayan sa Real, Quezon ngayong Lunes.

 

 

Bandang 6:30 a.m. nang magpadala ng distress call ang naturang sasakyang pandagat mula Pilollo patungong Real, Quezon nang magkaroon ng sunog. Sinasabing nagmula ito sa engine room.

 

 

Aabot sa 134 katao ang sakay na crew at pasahero ng barko nang mangyari ang insidente. Sakay ng RoRo na Mercraft 2 ang 124 pasahero ngunit patuloy pang inaalam  ng mga otoridad kung pawang mga pasahero ang mga ito.

 

 

patay (7)

kritikal (3)

nailigtas (120)

unaccounted (4)

 

 

Lima sa mga binawian ng buhay ay mga babae habang mga lalaki naman ang dalawa pang namatay.

 

 

“Naganap ang insidente nang makarating ang barko 1,000 yarda mula Port of Real,” wika ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang paskil sa Facebook kanina.

 

 

“Naihatid na sa pinakamalapit na ospital ang anim na pasaherong nangangailangan ng tulong medikal.”

 

 

Kasalukuyan pa ring inaapula ang apoy habang nagkakasa ng search and rescue operations ang mga otoridad hanggang sa ngayon.

 

 

Naka-tow naman sa pinakamalapit na pampang ng Baluti Island ang naturang vessel, ayon sa pinakahuling ulat ng PCG.

 

 

Rumesponde naman na ang apat na MBCA, dalawang RORO vessels at tatlong Coast Guard search and rescue teams sa pinangyarihan ng insidente. (Gene Adsuara)

P81-M halaga ng shabu nasabat sa Valenzuela, 3 kalaboso

Posted on: May 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMAABOT sa P81 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa buy bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

 

 

Kinilala ang naarestong mga suspek bilang sina Algie Mengote Labenia, 43 ng 9th Street, Brgy. Amsic, Angeles, Pampanga, Nolan Sarsalito Julia, 43 ng Apolonio Compound Muntinlupa City at Joseph Villamor Malasaga, 50 ng Barangay Maligaya, CaloocanC City.

 

 

Ayon kay Northern Police District(NPD) Director PBGEN Ulysses Cruz, dakong alas-11:30 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng SOU, NCR PNP DEG, RID NCRPO, RDEU NCRPO, PDEA NCR at Valenzuela City Police ng buy bust operation sa Maysan Road corner Cecilio St., J. Santos Street, Valenzuela City na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

 

 

Narekober sa mga suspek ang humigit-kumulang 12 kilos ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php 81-milyon, isang tunay na P1,000 bill at  sampung bugkos ng P1,000 boodle money, isang Honda Civic na kulay berde, 2 cellphones, mga identification cards at mga dokumento.

 

 

Pinuri ni PLTGEN Vicente Danao Jr, OIC PNP ang matagumpay na operasyon kontra ilegal na droga ng pinagsanib na pwersa habang nahaharap naman sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang  aarestong mga suspek. (Richard Mesa)

BALASAHAN NG PERSONNEL SA NAIA

Posted on: May 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA ng pagbalasa ang Bureau of Immigration (BI) ang halos 400 na personnel nito na naka-assigned sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na bahagi ng ahensiya na maiwasan ang korapsiyon sa kanilang hanay.

 

 

Ayon kay BI port operations division chief Atty. Carlos Capulong na may kabuuan na 398 na mga immigration officers na nag-iinspection ang naapektuhan sa reshuffle.

 

 

Paliwanag ni Capulong na ang hakbang ay upang maiwasan ang fraternization sa mga airport personnel.

 

 

Dagdag pa ni Capulong na bukod sa mga BI Officers na nagmamando sa NAIA’s immigration counters, ang kagawaran ay nagsasagawa rin ng araw-araw na balasahan sa mga terminal assignments sa mahigit na 80 immigration supervisors.(GENE ADSUARA)

Random manual audit, 99.9% ang match rate sa automated tally – Comelec

Posted on: May 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AABOT sa 99.9 percent ang match rate ng isinasagawang random manual audit (RMA) ng mga boto noong May 9 elections kumpara sa automated tally.

 

 

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), nasa 99.97 percent accuracy ang naitala para sa presidential position, 99.94 percent naman para vice presidential, 99.97 percent sa senatorial, 99.79 percent sa party-list, 99.95 percent sa mga miyembro ng House of Representatives at 99.94 percent para sa mayoral positions.

 

 

Ang resulta ng RMA ay base sa 128 sa 757 o 16.91 percent ng total sample clustered precincts.

 

 

Sinabi naman ng poll body na ang computation ng preliminary accuracy rate ay base sa marks at votes sa kada posisyon.

 

 

Ito ay encoded ng Philippine Statistics Authority (PSA). (Daris Jose)

Sunog sa Maynila: Higit 300 pamilya nawalan ng tahanan

Posted on: May 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT 300 pamilya ang nawalan ng kanilang tirahan makaraang isang malaking sunog ang su­miklab sa isang residential area sa Port Area, Maynila nitong Huwebes ng gabi.

 

 

Ayon sa Manila Fire Department, bandang alas-7:00 ng gabi nang magsimula ang sunog sa dalawang palapag ng bahay sa Block 17 Old Site, Baseco sakop ng Brgy. 649, Port Area.

 

 

Dakong alas-7:40 ng gabi nang ideklara ang unang alarma pero dahil sa pawang gawa sa light materials ang mga katabing kabahayan, uma­bot ang sunog sa ikaapat na alarma dakong alas-8:31 ng gabi.

 

 

Nagkaroon naman ng tensyon sa lugar nang isang barko na nakaparada sa gilid ng Manila Bay ang hindi makaalis dahil sa nakasadsad dulot ng low tide.

 

 

Tumulong na rin ang Philippine Coast Guard sa pag-apula sa apoy para hindi ito umabot sa barko. Alas-9:36 na ng gabi nang makontrol ng mga bumbero ang apoy at tuluyang naapula dakong alas-12:02 ng hatinggabi.

 

 

Masuwerteng walang nasaktan o nasawi sa insidente. Nagsisiksikan ngayon ang 300 pamilya sa Baseco Evacuation Center at nananawagan ngayon ng tulong sa lokal at nasyunal na pamahalaan.

 

 

Patuloy naman na na­ngangalap ng testimon­ya at ebidensya ang BFP sa pinagmulan ng apoy.