• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 12:54 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2022

Bicam laban sa pag-abusong sekswal at iba pa, niratipikahan ng Kapulungan

Posted on: May 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MGA ULAT ng bicam laban sa pag-abusong sekswal sa mga kabataan sa online, pagrepaso ng edukasyon sa Pilipinas at pagpapalakas sa sistemang pinansyal sa agrikultura, niratipikahan ng kapulungan

 

 

Niratipikahan nitong Lunes ng kamara, ang ulat ng bicameral conference committee sa mga magkakasalungat na probisyon ng House Bill 10703 at Senate Bill 2209, na magpapalakas sa pangangalaga ng  mga kabataan laban sa pag-abusong sekswal at pagsasamantala sa online.

 

 

Kapag naisabatas, ang sinumang lalabag sa batas ay pagbabayarin mula P200,000 hanggang P2-milyon, at papapatawan ng parusang pagkabilanggo.

 

 

Bukod dito, ang mga sindikato at malawakang paglabag ninoman ay mabibilanggo at pagbabayarin ng multang P5-milyon hanggang P20-milyon.

 

 

Sa ilalim ng batas, ang Philippine National Police at National Bureau of Investigation ay magkatuwang na makikipag-ugnayan sa mga ahensiya ng mga dayuhang nagpapatupad ng batas, para sa mabilis na palitan ng mga impormasyon, mga nakagawian, at magkasanib na imbestigasyon.

 

 

Lilikha rin ng Congressional Oversight Committee upang mamonitor at matiyak ang epektibong pagpapatupad, kabilang na ang pagrerekomenda ng karampatang lehislasyon at mga panukalang administratibo, at iba pa.

 

 

Niratipikahan din ang mga ulat sa bicameral conference committee ng mga sumusunod: 1) HB 6134 at SB 2494, na nagpapalakas sa sistemang pinansyal para sa agrikultura, pangingisda at kaunlaran ng mga kanayunan sa Pilipinas, at 2) HB 10308 at SB 2485, na lilikha sa Congressional Oversight Committee on Education, na magrerepaso sa kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas at magrerekomenda ng mga makabagong reporma sa polisiya. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Siya pa rin ang nag-iisang brand ambassador ng ‘Beautederm Home’… MARIAN, ayaw pag-usapan ang ‘dream house’ nila ni DINGDONG dahil isi-share din ‘pag tapos na

Posted on: May 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SI Marian Rivera-Dantes pa rin ang nag-iisa at official brand ambassador ng Beautéderm Home sa muling pagre-renew ng Kapuso Primetime Queen ng kanyang partnership sa Beautederm for another 30 months.

 

 

Nagkaroon nga ng grand celebration of love and friendship sina Marian at Rhea Anicoche-Tan, ang President and CEO, na kung saan nag-marka na naman sila ng another amazing milestone.

 

 

Ang historic partnership sa pagitan ng Beautéderm Home at ni Marian ay nangyari noong 2018, na kung saan ni-launch ang ‘Reverie’ – an exquisite line of home scents that originally consisted of soy candles and air purifiers as well as room and linen sprays.

 

 

Ang Reverie ay mula sa pinaghalong name nina Ms. Rhea o Rei at ang maiden name ni Marian na Rivera; and the concept of the brand’s desired effect to its users – to drift away, dream, and relax while basking in the extraordinary, sweet, and beautéful scents of love by Beautéderm Home.

 

 

Originally, ang Reverie line ng Beautéderm Home ay ang Into The Woods (Bamboo Scent), Smells Like Candy (Cherry Scent), Time To Bloom (Fresh Rose Scent), Something Minty (Eucalyptus Scent), and Rest & Relaxation (Lavender Scent) – all created from formulation to individual packaging in very close collaboration with Marian.

 

 

Last year, nag-introduce ng two additional scents na Matcha To Love and Take Me Away.

 

 

Para sa 2022, nag-level up ang Beautéderm Home levels sa pag-i introduce ng brand-new, essential products under the Reverie line na di magpapango ng bawat bahay, magpo-protect din ito from germs, bacteria, and viruses as well.

 

 

Ang first of the new products ay Pour Tout Faire – a 3-in-1 multi-purpose spray that deodorizes, disinfects, and protects as it is formulated to eliminate unpleasant odors; to instantly disinfect surfaces as it destroys bacteria and viruses upon contact; and to effectively protect.

 

 

May two variants ito, ang Fresh & Vibrant and Clean & Calm, Pour Tout Faire is ideal for sanitizing and freshening the air; for linens and all surfaces; and it may be applied to the skin and on clothes while being 100% safe for children and pets.

 

 

At bilang special treat to honor the partnership renewal of Beautéderm Home and Marian, maglalabas ang Reverie ng special limited-edition soy candle box set that includes three new scents which include Inviting Cherimoya, Irresistible Vanilla, and Tempting Pear and Melon.

 

 

“I am truly overjoyed that my relationship with Beautéderm Home lasted for this long and I’m excited as I look forward to many more years with this brand that is very dear to my heart,” sey ni Marian.

 

 

“We have worked so hard in developing these new products and I am so proud to introduce and present them to everyone.”

 

 

Pahayag naman ni Ms. Rhea tungkol sa nabuong relasyon nila ni Marian, “Marian is an extremely valued member of the Beautéderm family and I am so happy to have her onboard as the brand ambassador of Beautéderm Home for another 30 months and hopefully more years in the future,”

 

 

Dagdag pa niya sa tinuturong na baby sister, “Marian and I are really like sisters. She’s my baby sister as she is the sweetest and the kindest, and one of the most professional ambassadors that we have. What I love about her is that her love for me is wholeheartedly extended to my staff and to all of our resellers and distributors. I truly celebrate Marian and her solid partnership with Beautéderm Home. But more than that, I am grateful for her sincere and loyal friendship.”

 

 

Samantala, natanong si Marian kung ginagamit na ba niya ang mga Beauterderm Home products sa napababalitang ‘dream house’ na pinatayo nila ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

 

 

Sagot ni aktres/tv host, “‘wag na muna ‘yun. Kasi pag buung-buo na, hindi naman kami magmamadamot na i-share ‘yun sa mga tao. At pagpasok nila doon, ang Beautederm Home ang makikita nila.”

 

 

Dagdag pa ni Marian na tungkol naman kay Ms. Rei, “may sasabihin lang ko kay Ms. Rei, kayong mga press people, alam n’yo yan, walang dahilan para hindi siya mahalin.

 

 

“So more on sa mga artist niya. Wala dahilan para hindi siya mahalin, alam natin kung gaano siya ka-generous at ka-transparent na tao at kung gaano siya ka-lovable!”

 

 

Nagpapasalamat naman si Marian dahil sa two episodes pa lang sitcom nila ni Dingdong ay bongga na ang ratings ng Jose and Maria’s Bonggang Villa na napanonood tuwing Sabado ng gabi sa GMA-7.

 

(ROHN ROMULO)

‘No CCTV, no business permit policy’ dapat ipatupad ng LGUs sa mga establisyemento – DILG

Posted on: May 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINIMOK ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na magpasa ng ordinansa para iobliga ang mga business establishment na mag-install ng closed-circuit television (CCTV) systems bago ang isyuhan ng business permits o ang “No CCTV, no business permit policy.”

 

 

Partikular na tinukoy ng DILG na dapat na ipatupad ang naturang polisiya sa mga establisyemento na may malaking bilang ng mga customers na nasa risk at hazard-prone.

 

 

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang concurrent chairperson din ng National Peace and Order Council na kasabay ng muling pagbabalik ng mga tao sa kanilang pre-pandemic ways, mahalagang iprayoridad ng mga LGU ang kaligtasan ng publiko at ang CCTVs ay isang pamamaraan na magagamit ng mga LGU para tiyakin ang seguridad ng publiko, maiwasan ang anumang krimen at matukoy at mahuli ang mga perpetrators.

 

 

Ilan aniya sa mga establisyemento na kailangang maglagay ng CCTV ay ang financial establishments gaya ng bangko, pawnshops, money lenders, at money remittance services at business establishments na may mga branches gaya ng shopping malls, shopping centers, supermarkets, wet markets at medical facilities tulad ng hospitals, clinics at laboratories at iba pang business establishments.

Sa kanyang pagbabalik sa GMA Primetime… KYLIE, ramdam na mas proud kesa ma-pressure sa ‘Bolera’

Posted on: May 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BALIK-PRIMETIME ang Kapuso actress na si Kylie Padilla.

 

 

At more than napi-pressure raw, mas sobrang proud daw ang nararamdaman niya sa kanyang comeback, ang Bolera.

 

 

Sey ni Kylie, “Sobrang proud kasi talaga ako sa serye na ito. It’s subject is good, even more no’ng pinapanood ko na siya. Sobrang saya ng set. I fell in-love with everybody and I’m so happy na ito ang naging comeback show ko.”

 

 

Sa totoong buhay, hindi raw naglalaro ng billard si Kylie. Pero tingin niya, nakatulong din ang martial arts skills niya bukod sa talagang nag-training daw siya sa laro.

 

 

“Noong pinapanood ko naman, ang ganda. I’m thankful to everyone for helping me. I’m just so proud of this show talaga.”

 

 

Kaya nang tanungin namin siya kung may pressure nga na muli siyang nagbabalik sa primetime, sey niya, “actually hindi masyado kasi alam ko na maganda ang show namin, ha ha ha!

 

 

“Alam ko sa sarili ko na maganda ‘to. ‘Yung una lang siguro ang pressure, yung first lock in dahil hindi ko pa gamay. But now, I’m so confident na maganda ang show namin kaya no pressure at all.”

 

 

Ang Bolera ay magsisimula ng mapanood sa May 30, after ng First Lady at 8:30 pm. Makakatambal ni Kylie rito sina Jak Roberto at Rayver Cruz. Sa direksiyon nina Dominic Zapata at Jorron Lee Monroy.

 

 

***

 

 

ANG isa sa tunay na pamangkin ng Movie Queen na si Susan Roces na si Sheryl Cruz ay alam naming isa rin sa mga nakasama ng namayapang actress ilang oras bago ito bawian ng buhay sa hospital.

 

 

Mula sa isang source, iyak daw talaga nang iyak si Sheryl nang malaman nito ilang oras pa bago tuluyang pumanaw ang kanyang tiyahin. Kung matatandaan, nagkaroon din ng isyu dahil sa pulitika ang relasyon ni Sheryl sa mag-inang Susan at Senator Grace Poe.

 

 

Pero obviously, nagka-ayos din sila. Madalas din daw na padalhan ni Manang Inday si Sheryl ng mga pagkain.

 

 

Sa isang banda, mukhang prinocess pa ni Sheryl ng ilang araw ang pagkawala ng tiyahin bago ito nakapag-post sa kanyang Instagram account ng kanyang tribute.

 

 

Sabi nga niya, since open naman sa lahat na matagal nang nasa America ang ina ni Sheryl at kapatid ni Manang Inday na si Rosemarie Sonora, ang aktres na ang halos nagpalaki sa kanya.

 

 

“It never occurred to me that I might be here one day, talking about my Mama Inday instead of being with her. Mama Inday was unbelievably compassionate. Her heart and her generosity knew no bounds. Her door was always open—(literally).

 

 

“You could just walk in and people ofen did. That’s how big her heart was. I am who I am today because of her, she raised me as she was my mom. To be able to kiss and hug her again would be th greatest miracle in the world.

 

 

“Death leaves a heartache no one can heal, but love leaves a memory no one can steal. Her life was a well-lived blessing, and her memory will always be out treasure. I love you Mama Inday.”

 

 

(ROSE GARCIA)

Challenge sa ibang loveteams na umamin na rin: RONNIE, hiyang-hiya noong itinatago pa ang relasyon nila ni LOISA

Posted on: May 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BALIK-TAMBALAN sa pelikula sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

 

 

Ito ang ipinahayag ni Julia sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa online channel ng batikang TV host.

 

 

“I’m going to do a movie with Josh under (production company) Black Sheep this year,” sambit ni Julia.

 

 

Sa interview ni Boy, binalikan ni Julia ang paggawa nila ng pelikula ni Joshua. Winika ng young actress na nadama na niya agad ang chemistry nila ni Joshua sa unang eksena pa lang ng pelikulang Vince, Kath and James.

 

 

“With Josh, that was our first film together. I remember from the first day, Tito Boy, after the first scene, I went back to the tent and I told my team, I was like, ‘I’ve never felt this kind of chemistry with anybody that I’ve worked with. Good things will only come from here,” pahayag ni Julia.

 

 

Alam daw nilang dalawa ni Joshua na malakas ang kanilang onscreen chemistry. Ito raw ang dahilan kung bakit inalagaan nila ang kanilang tandem.

 

 

Ang ilan pa sa successful movies nina Julia at Joshua ay ang I Love You To The Stars and Back, Unexpectedly Yours, I Love You, Hater, at Block Z.

 

 

Nagkaroon din ng romantic relationship ang dalawa off-screen pero naghiwalay sila noong 2019.

 

 

Pero ayon kay Julia ay nanatili naman daw silang best friends ni Joshua. Tiyak na ikatutuwa ng kanilang mga fans ang muling pagsasama sa big screen nng JosLia tandem.

 

 

***

 

 

MULING nagsama-sama ang mga fans ng higly-successful BL series na Gameboys last Sunday, May 22 to celebrate World Gameboys Day.

 

 

Ito rin ang nagsilbing launching ng season 2 ng highly-acclaimed series na minahal ng publiko since ipinalabas ito worldwide two years ago sa panahon ng pandemya.

 

 

Dahil sa Gameboys, na project ng The Idea First Company, sumikat at naging byword sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas. Sinundan ng mga netizens ang kwento nina Gav at Cairo. Marami ang naka-relate sa kwento nila at every week ay pinag-uusapan sa cyberworld ang mga naganap sa episode.

 

 

After the first season ng Gameboys ay gumawa naman ang The Idea First ng unang movie ng Gameboys na mainit din tinanggap ng mga fans nina Kokoy at Elijah.

 

 

Last Sunday at 8 pm ay ipinalabas na ang dalawang episodes ng Gameboys season 2. Gaya nag sinabi nina Elijah at Cocoy, kahit na napanood mo amg film version ng Gameboys, dapat ka pa rin manood ng season 2 episodes ng Gameboys dahil maraming eksena sa season 2 na wala sa movie version.

 

 

Ngayon pa lang ay kinikilig na ang fans nina Kokoy and Elijah sa mga eksenang aabangan nila sa dalawang bida.

 

 

***

 

 

SA presscon ng Love in 40 Days kung saan bida sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio ay tinanong ang aktor kung bakit nila naisipan na aminin sa publiko na mayroon silang relasyon.

 

 

Sabi ni Ronnie, para sa kanya ay hindi magandang tignan na hindi niya maamin sa publiko na siya ay may girlfriend samantalang they hold hands in public.

 

 

Nahihiya raw siya na itinatago nila ang kanilang relasyon tapos pag may nagtanong kung sila na ay kailangan nilang magsinungaling at sabihin na friends lang sila.

 

 

“Mas maganda ‘yung magsabi na lang kami ng totoo at huwag na naming itago ang totoong status ng aming relasyon,” sabi pa ni Ronnie.

 

 

Huwag na raw magsinungaling. Ang challenge nga ni Ronnie sa ibang loveteams ay aminin na kung ano ang totoong status ng kanilang relasyon.

 

 

Sabi pa ni Ronnie, kahit na maraming silang pinagdaanang pagsubok ni Loisa ay nanatili silang matatag. Going six years na ang relasyon nila. Dahil honest sila sa isa’t-isa at open ang communication lines parati ay mas naging maayos ang kanilang relasyon.

 

 

Love in 40 Days will premiere on May 30 on Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, and TV5, with two-day advanced episodes on iWantTFC.

 

 

(RICKY CALDERON)

Comelec iniimbestigahan na ang pagtapon ng training ballots sa Cavite

Posted on: May 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIIMBESTIGAHAN na ngayon ng Commission on Elections (Comelec) ang nadiskubreng pagtapon ng training ballots sa Cavite.

 

 

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, kanila ng inaalam kung bakit nadala ng F2 Logistics ang kanilang service provider ang mga nagamit na balota mula sa Tondo papunta sa Cavite at bakit anduon ito sa isang tabi.

 

 

Sinabi ni Garcia batay sa naging paliwanag ng election officer ng Manila City, na ang mga nakitang balota na itinapon sa Amadeo ay mga balota na ginamit nuong panahon ng training, final testing at sealing process, ilang araw bago ang halalan nuong May 9,2022.

 

 

Siniguro naman ng Manila City Treasurers Office na “properly accounted” ang lahat ng balota na ginamit nuong araw ng halalan dahil ito ang gagamitin sakaling magkaroon ng case of electoral protests.

 

 

Nilinaw naman ni Garcia na ang mga ginamit na training ballots ay hindi na kino kolekta ng Comelec.

 

 

“‘Yung mismong pang-training na ginagamit, yung pang-final testing and sealing natin, ‘yan ay dapat nasa mga guro kasi remember, ‘yung final sealing and testing ay ginagawa sa mga mismong presinto,” pahayag ni Garcia.

 

 

Gayunpaman sinabi ni Garcia, dapat ang mga training ballots ay nasa pangangalaga ng electoral boards, kaya nakapagtataka bakit napunta ang mga ito sa F2 Logistics.

 

 

Pinagpapaliwanag na rin ngayon ng Comelec angf F2 Logistics kung bakit napunta sa kanila ang mga training ballots. (Daris Jose)

Ivermectin, hindi napatunayang may naibibigay na benepisyo para makagamot ng COVID-19

Posted on: May 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIHINTO na ang pag- aaral tungkol sa Ivermectin na una ng sinabing nagsisilbing gamot sa COVID-19.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni National Task Force against COVID 19 Medical Adviser Dr Ted Herbosa na napatunayan na kasi sa mga pag- aaral na walang epekto ang naturang gamot sa COVID 19.

 

 

Sinabi ni Herbosa na wala aniyang ebidensiya na nakita ang mga eksperto patungkol sa una ng claim na nakakatulong ang Ivermectin para mapigilan o magpagaling sa isang indibidwal na tinamaan ng virus.

 

 

Kaya ang resulta, tigil na ang pag-aaral kasunod ng pruweba na walang pinagka-iba sa sinumang COVID patient na uminom nito kumpara sa hindi umiinom nito.

 

 

Ang Ivermectin ay ginagamit bilang gamot na pamurga at ginamit sa mga hayop. (Daris Jose)

Gilas Pilipinas natuldukan ang ’33-year reign’ matapos payukuin ng Indonesia

Posted on: May 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BIGONG  madepensahan ng Gilas Pilipinas ang kanilang korona matapos masilat ng bansang Indonesia sa 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Natalo ang Gilas sa score na 85-81 sa larong isinagawa sa Thanh Trì District Sporting Hall.

 

 

Dahil dito, natuldukan na ang streak ng bansa na 13-consecutive gold medals sa SEA Games at kabuuang 33 taon na pagiging hari sa Southeast Asia..

 

 

Ito ang kauna-unahang pagkakataon mula noong 1989 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia na hindi maiuuwi ng Pilipinas ang gold medal sa men’s basketball.

 

 

Nagtapos ang mga ito sa silver medal at nagwakas ang kanilang kampanya sa 5-1 win-loss record.

 

 

Hindi kinaya ng mga Pinoy ang pag-ulan ng 3-points at sa bench scoring na mistulang pagod na sa mga laro sa pangunguna ng ilang PBA players.

 

 

Kahit all-professional squad kabilang si dating PBA MVP June Mar Fajardo, Keifer Raven Ravena, Matthew Wright at iba pa ay hindi pa rin kinaya ang karibal na Indonesian squad na kasama and former NBA player Marques Bolden, at naturalized Brandon Jawato at Derrick Michael Xzavierro.

COVID increase projection dahil sa nagdaang eleksyon, ngayong linggo inaasahan- Dr . Solante

Posted on: May 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHANG ngayong linggong ang simula ng projection na ginawa ng mga eksperto patungkol sa posibleng pagsipa ng kaso ng COVID 19.

 

 

Sinasabing, ito na kasi ang ikalawang linggo o eksaktong 14 na araw makaraang idaos ang national elections kung saan ay nagsipagdagsaan ang may higit 60 na milyong mga botante sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

 

Sinabi ni Infectious Disease expert Dr Rontgene Solante, hindi lamang nila titingnan ang uptick o pagtaas na maaaring manggaling sa nagdaang halalan dalawang linggo na ang nakakaraan.

 

 

Aniya pa, isa pa nilang babantayan ay ang kasong maitala na may konektado naman sa pagpasok ng sublineage na BA.2.12.1.

 

 

Ani Solante, Mayo hanggang Hunyo ang kanilang gagawing mahigpit na pagmomonitor at kanilang itinuturing na kritikal itong yugtong ito.

 

 

“Ang tinitingnan natin dito ay iyong uptick ng cases ay beginning  of second week after the election ‘no, especially iyong pagpasok ng sublineage na BA.2.12.1,” ayon kay Solante.

 

 

“And then onward, until June iyan – May up to June, kung mayroong pagtataas ng kaso. [Garbled] critical of this month na if there is a community transmission, then malalaman natin, tataas ang mga kaso because of the highly transmissible sublineage na BA.2.12.1,” dagdag na pahayag ni Solante. (Daris Jose)

Ads May 24, 2022

Posted on: May 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments