• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 8:50 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 26th, 2022

P1K pension sa seniors, sumalang na sa Senado

Posted on: May 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISINALANG na sa plenaryo ng Senado ang panukalang batas na gawing P1,000 ang social pension ng indigent senior citizens mula sa P500.

 

 

Sa sponsor speech ni Sen. Joel Villanueva, nag-sponsor ng Senate Bill 2506, umaasa siya na mula sa P500 ay magiging P1000 ang monthly pension ng mga indigent senior citizens bilang pagkilala sa kahalagahan ng mga nakakatanda at sa kontribusyon nila sa mga komunidad.

 

 

Bukod sa increase sa social pension ng mga senior citizen, layon din ng panukala na magbigay ng opsyon bukod pa sa cash payouts para sa pension na makaabot sa mga target beneficiary at hindi sasagutin ng mga benepisyaryo ang transaction fee.

 

 

Sa konsultasyon ni Villanueva sa mga kasamahan at representante mula sa DSWD at Budget and Management, maging sa National Commission of Senior Citizens, Coalition of Services of the Elderly and Senior Citizens Sectoral Council, nagkasundo sila na ang kasalukuyang P500 monthly allowance ay hindi sapat para matugunan ang arawang pangangailangan  at gamot  ng mga mahihirap na senior citizens.

 

 

Kung ibabatay umano sa datos ng DSWD, aabot sa mahigit 3.8 milyon ang indigent Filipinos na may edad 60 at higit pa at sa P500 kada buwan, nasa P23.6 bilyon ang kasalukuyang allotment para sa social pension kada taon. (Daris Jose)

UNANG BABAENG MAYOR NG MAYNILA MAYOR HONEY LACUNA PANGAN

Posted on: May 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Binabati ng lahat ng pamunuan/Editorial Staff ng People’s Balita ang lahat ng bagong halal noong nakaraang eleksyon 2022 sa pangunguna ni Mayor Honey Lacuna Pangan at Vice Mayor Yul Servo Nieto at mga Congressman sa unang Distrito Congressman Ernix Dionisio, ikalawang distrito Congressman Rolan Valeriano, ikatlong distrito Congressman Joel Chua, ikaapat na distrito Congressman Edward Maceda, ikalimang distrito Congressman Irwin Tieng, ika anim na distrito Congressman Benny Abante.

 

 

 

Samantala ang mga konsehal naman na nanalo  sa unang distrito ay sina, Konsehal Irma Alfonso-Juson, Konsehal Niño Dela Cruz, Konsehal Jesus “Taga” Fajardo Jr., Konsehal Martin “Marjun” Isidro Jr., Konsehal Moises “Bobby” Lim, Konsehal Erick Ian “Banzai” Nieva. Sa ikalawang distrito naman ay sina, Konsehal Ruben “Dr. J” Buenaventura, Konsehal Macario “Macky” Lacson, Konsehal Numero “Uno” Lim, Konsehal Roma Paula “Roma” Robles, Konsehal Darwin “Awi” Sia, Konsehal Edward Tan. Sa ikatlong distrito naman ay sina, Konsehal Terrence Alibarbar, Konsehal Arlene “Maile” Atienza, Konsehal Pamela “Fa” Fugoso, Konsehal Ernesto “Jong” Isip Jr., Konsehal Johanna Maureen “Apple” Nieto-Rodriguez, Konsehal Timothy Oliver “Tol” Zarcal.

 

 

 

Sa ikaapat na distrito naman ay sina, Konsehal Krystle Marie “Krys” Bacani, Konsehal Don Juan “DJ” Bagatsing, Konsehal Louisito “Doc Louie” Chua, Konsehal Louisa Marie “Lady” Quintos, Konsehal Science Reyes, Konsehal Joel “JTV” Villanueva. Sa ikalimang distrito naman ay sina, Konsehal Daniel “Nikko” Atienza, Konsehal Laris Borromeo, Konsehal Jaybee “Atty. Jaybee” Hizon, Konsehal Ricardo “Boy” Isip Jr., Konsehal Charry Ortega, Konsehal Raymundo “Mon” Yupangco. Sa ika amin na distrito naman ay sina, Konsehal Benny “Fog” Abante III, Konsehal Carlos “Caloy” Castañeda, Konsehal Salvador Philip Lacuna, Konsehal Elmer “Joel” Par, Konsehal Luis “Joey” Uy, Konsehal Luciano “Lou” Veloso. Congratulations pos a inyo lahat mula kay Bishop Jesus “Jemba” M. Basco ng Spiritual Filipino Catholic Church Quezon City Chapter. BUmabati rin ang lahat ng officer at members ng Manila City Press Club sa pangunguna ng Presidente JR Reyes. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Nagandahan sa kanya nang magbihis-babae… XIAN, natuwa at nagpasalamat sa suporta ng kanyang ina

Posted on: May 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGING very professional si new Kapuso leading man Xian Lim.

 

 

Siya ang isang actor na hindi tumatanggi sa role na ibinibigay sa kanya. This week nga ay pasabog ang finale ng GMA Primetime series na False Positive nila ni Kapuso actress Glaiza de Castro.

 

 

Last Monday nga nagsimula nang mapanood si Xian na isa nang babae, mula sa isang lalaking nabuntis gawa ng mga engkatadong sina Malakas at Maganda. At para makaiwas sa tsismis, nagbihis-babae siya at carry naman niya, naka-wig nang mahaba, at nag-make-up transformation.

 

 

Kuwela na natuwa pa ang mommy ni Xian, si Mommy Mary Anne, at sabi nito: “The daughter I never had. Pretty yarn!” Ang ganda raw ng anak niyang binata. Natuwa naman si Xian at nagpasalamat sa suporta ng mommy niya. This Friday, May 27 na ang finale ng False Positive, at 8:50PM after ng First Lady sa GMA-7.

 

 

***

 

 

NGAYONG Friday, May 27, ang much-awaited grand reveal ng bagong show ng GMA-7, ang Running Man Philippines.

 

 

Sinu-sino kaya ang magiging hosts ng show at magiging contestants nito. Isang co-production venture ito between GMA and a South Korean network. At isu-shoot ito sa South Korea for two months bago ipalabas dito sa bansa.

 

 

(NORA V. CALDERON)

Miting sa pagitan nina Pangulong Duterte at Marcos Jr., bago ang inagurasyon, wala pang iskedyul-Andanar

Posted on: May 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALA pang naitatakdang araw at petsa sa meeting sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at presumptive president Ferdinand Marcos Jr.

 

 

“Wala pang sinasabi sa amin. We will wait for further announcement,” ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) at acting presidential spokesperson Secretary Martin Andanar.

 

 

“I don’t have information on that and we could know more after the Cabinet meeting next week,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Gayundin, sinabi ni Andanar na tikom ang bibig ni Pangulong Duterte sa kung sino ang napipisil ni Marcos Jr., sa magiging miyembro ng gabinete nito.

 

 

Sa ngayon, pinangalanan ni Marcos Jr. sina dating spokesperson at Atty. Vic Rodriguez bilang Executive Secretary, dating Aquino administration National Economic Development Authority (NEDA) chief Arsenio Balisacan na bumalik sa dati nitong posisyon, Cavite lawmaker Jesus Crispin Remulla bilang Justice Secretary, dating Labor Undersecretary Susan Ople bilang Kalihim ng Department of Migrant Workers at Bienvenido Laguesma bilang Labor chief.

 

 

“Walang binanggit ang pangulo on the choices of the presumptive president,” ani Andanar.

 

 

Matatandaang, noong Nobyembre 2021, tinawag ni Pangulong Duterte si Marcos Jr. bilang “weak leader and a spoiled child” na walang accomplishment sa kanyang pangalan.

 

 

Subalit, tatlong araw bago ang halalan, bigla na lamang nagbigay ng “kind words” si Pangulong Duterte kay Marcos Jr. at namuhay ng simpleng buhay si Marcos Jr., kahit may pagdududa hinggil sa ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.

 

 

Magtatapos ang termino ni Pangulong Duterte sa Hunyo 30. (Daris Jose)

21 na kaya goodbye na sa pagiging ‘baby boy’: DARREN, nanggulat sa pasabog na daring at sexy pictorial

Posted on: May 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PASABOG si Darren Espanto ngayong 21 year old na siya.

 

 

After nga niyang magpa-party, aba, may hinahanda pala itong bonggang pasabog sa kanyang mga tagahanga.

 

 

Bigla na lang nag-post si Darren sa kanyang Instagram account ng mga topless photos niya. Nag-effort talaga itong magpa-pictorial at ang simpleng caption niya ay “21.”

 

 

Ang edad n 21 ang talagang legal age ng isang lalaki. Kaya parang ipinapaalam ni Darren sa lahat na binata na siyang talaga.

 

 

Ibig sabihin din ba nito, gusto na rin ni Darren na mabago ang imahe niya. Na hindi na siya ‘yung tila “baby boy” kung tawagin ng lahat and that, kaya rin niyang magpa-sexy at daring?

 

 

Aliw ang mga comments sa IG post na ito ni Darren, merong mga nagsasabi na, “Ay, ‘di kami ready!”

 

 

***

 

 

MULA mismo sa President and CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea Tan, sinabi nito na ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang number 1 endorser ng Beautederm.

 

 

Ito ay sa kabila ng napakaraming celeberity endorsers ng Beautéderm. Naa-appreciate ni Ms. Rhea si Marian na talagang may malasakit daw sa produktong ine-endorso nito. Hindi lang nagpo-post o promote palagi, pero nag-iisip din daw itong talaga mga puwedeng gawin para mas maging mabenta pa.

 

 

Naging celebration of love and friendship nga ang naging renewal of contract ni Marian kunsaan, after four years as sole endorser ng Beautéderm Home ay pumirma na naman siya ng panibagong 30 months.

 

 

At madalas nga raw silang mag-usap kahit kung ano pang products ang io-offer nila.

 

 

Sey niya, “Hindi kami nauubusan ni Ate Rhea na mag-usap kung ano ‘yung mga produkto na pwede naming i-offer sa Beautéderm Home. Of course, nandiyan ang mag soy candles at may bago rin kaming mga scents.

 

 

“And now, may bago kaming ini-introduce sa kanila, itong Pour Tout Faire, a 3-in-1 multi-purpose spray that deodorizes, disinfects, and protects.”

 

 

At dahil nanay na nanay nga, concern din si Marian kapag nagluluto siya kung anong scent daw ang gagamitin niya. At ito raw ‘yung candy flavor.

 

 

Ayaw pang magkuwento ni Marian sa alam naming ginagawa ng dream house nilang mag-asawa. Though kung ‘yung alam namin dati pa na location na plano nilang pagtayuan no’n, sure kami na napakabongga at napakalaki ng soon to be dream house nila.

 

 

Sey na lang niya, “Kapag talagang buong-buo na, e, hindi naman kami magdadamot na i-share ‘yon sa mga tao.

 

 

“At pagpasok niyo, puro mga Beautederm Home ang makikita niyo.” sey pa niya.

 

 

 

(ROSE GARCIA)

Donaire may improvements na ginawa sa rematch nila ni Inoue

Posted on: May 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA si Filipino boxer Nonito Donaire Jr na mas marami na improvements ilang linggo bago ang muling paghaharap niya kay Naoya Inoue sa Hunyo.

 

 

Nasa Japan na kasi ang ‘The Filipino Flash’ para sa paghahanda sa laban kay Inoue.

 

 

Itinuring kasi na “Fight of the Year” ang laban nilang dalawa noong 2019 kung saan tanging si Donaire lamang ang nagpahirap sa Japanese boxer.

 

 

Sinabi pa ng 39-anyos na si Donairea na dapat huwag basta magpakampante si Inoue dahil sa marami na itong binagong teknik.

 

 

Mayroong 42 panalo, anim na talo at 28 knockouts si Donaire habang si Inoue ay mayroong 22 wins, walang talo na mayroong 19 knockouts ay idedepensa ang kaniyang WBA (Super) at IBF belts.

 

 

Gaganapin ang laban ng dalawa sa Hunyo 7 sa Super Arena sa Saitama, Japan.

Ads May 26, 2022

Posted on: May 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Kiefer out na sa SEA Games

Posted on: May 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ANG  31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam ang huling pagkakataon na nasilayan si Kiefer Ravena suot ang Gilas Pilipinas jersey sa SEA Games.

 

 

Ito ay matapos magdesisyon si Ravena na ito na ang kanyang huling SEA Games matapos ang anim na edisyong paglalaro nito sa biennial meet.

 

 

Inihayag nito ang kanyang desisyon sa kanyang Instagram story kung saan magreretiro na ito sa pag­lalaro sa SEA Games upang mabigyan ng pagkakataon ang ibang pla­yers na maranasan ang maging bahagi ng national team.

 

 

Isang malaking kara­ngalan para kay Ravena na katawanin ang bansa sa isang international tournament gaya ng SEA Games.

 

 

“That’s it for me. H­anging these bad boys up for my last SEA Games. Been my absolute pleasure playing for the Philippines,” ani Ravena.

 

 

Sa anim na pagkaka­taon, nakalikom si Ravena ng limang ginto at isang pilak na medalya.

 

 

Unang sumabak si Ravena sa SEA Games noong 2011 sa Jakarta, Indonesia kung saan nasungkit nito ang kanyang unang gintong medalya.

 

 

Nasundan ito noong 2013 sa Naypyidaw, Myanmar, 2015 sa Singapore, 2017 sa Kuala Lumpur, Malaysia, at 2019 sa Maynila.

 

 

Hindi maganda ang pagtatapos ng SEA Games campaign ni Ra­vena matapos magkasya sa pilak ang Gilas Pilipinas nang matalo ito sa Indonesia sa iskor na 81-85.