• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 12:39 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2021

Suot na Miraculous medal ni Hidilyn nakatulong para manalo

Posted on: July 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ibinahagi ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz kung ano ang ibig sabihin ng pagsusuot nito ng miraculous medal.

 

 

Marami kasi ang nakapansin sa nasabing suot nitong kuwentas noong tanggapin niya ang kauna-unahang gold medal ng bansa sa Olympics.

 

 

Sinabi nito na ibinigay ito ng kaniyang kaibigan na nag-novena ng siyam na araw.

 

 

Nananatiling simbolo aniya ito ng kaniyang pananalig kay Mama Mary at Hesus Kristo.

 

 

Magugunitang nakuha ni Hidilyn ang gintong medalya sa Olympics sa 55 kg. events sa 2020 Tokyo Olympics.

Higit 31-K Pulis fully vaccinated – ASCOTF

Posted on: July 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Dahil sa banta ng Delta variant ng Covid-19 at sa inilabas na “stern reminder” ng pamunuan ng PNP nahikayat ang iba pang mga police personnel na magpabakuna.

 

 

Dahilan para tumaas pa ang bilang ng mga pulis na nabakunahan laban sa Covid-19.

 

 

Magugunita sa previous data ng ASCOTF nasa 8.5% sa mga kapulisan ang ayaw magpabakuna pero ngayon nasa 6.6% o nasa 14,455 na lamang ang ayaw.

 

 

Sa panayam ng Bombo Radyo kay PNP The Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander Lt Gen. Joselito Vera Cruz, nakatulong kahit papaano ang paalala na ibinigay sa kanilang mga tauhan para mahikayat ang mga ito na magpa bakuna.

 

 

Sinabi ni Vera Cruz, batay sa datos at survey na isinagawa ng PNP as of July 27,2021 sumampa na sa 31,188 o nasa 14.28% police personnel ang fully vaccinated habang nasa 48,000 o 21.98% ang nabakunahan na ng first dose.

 

 

Nasa 139,000 o 63.75% ang hindi pa nabakunahan.

 

 

“Kahit papaano siguro Anne nkatulong ito sa pag hikayat sa mga kapulisan na magpa bakuna dahil nga sa threat ng delta variant. Sa ngayon wala pa naman kumpirmadong kaso ng delta variant sa ating hanay. Lagi naman natin pinapaalahanan ang ating mga kapulisan lalo yung mga nagsasagawa ng ibat ibang police operations kasama na nga dito ang pag secure sa SONA na laging i- observe ang MPHS para na rin sa kanilang kaligtasan,” mensahe na ipinadala ni Lt Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.

 

 

Ayon sa Heneral, batay naman sa kanilang isinagawang vaccination survey nasa 170,202 o 77.92% na mga kapulisan ang gustong magpabakuna; 33,648 o 15.41% dito ay may brand option habang nasa14,555 o 6.66% percent ang ayaw pa rin magpa bakuna.

 

 

Gayunpaman, sinabi ni Vera Cruz patuloy ang kanilang paghihikayat sa kanilang mga tauhan na magpa bakuna para may proteksiyon laban sa Covid-19.

 

 

Sa ngayon walang namomonitor ang ASCOTF na may police personnel na nahawaan ng Delta variant.

 

 

Kaya paalala ng Administrative Support for Covid-19 Task Force sa mga kapulisan na nagsasagawa ng ibat ibang police operations na striktong sundin ang minimum public health standard para sa kanilang kaligtasan kahit bakunado na ang mga ito.

 

 

Samantala, nasa kabuuang 750 doses ng Sinovac vaccine ang natanggap ng PNP nuong nakaraang linggo.

 

 

Ayon kay Vera Cruz, ang 500 doses ay mula sa DOH para sa second dose ng mga binakunahan na nasa A4 category ng PNP.

 

 

Nasa 250 doses naman ang natanggap nilang donasyon mula sa Quezon City Government na ibinigay sa pamamagitan ng PNP Officers Ladies Club.

 

 

Kamakailan lamang nabigyan ang PNP ng halos 10,000 doses ng Sputnik V vaccine at naghihintay pa rin sila sa dagdag na vaccine allocation mula sa gobyerno.

 

 

” Anne, we received a total of 750 Sinovac vaccines, 500 Sinovac for 2nd dose from DOH and 250 Sinovac for 2nd dose from QC LGU thru Officers Ladies Club,” dagdag pa ni Vera Cruz. (Daris Jose)

Hidilyn ipinagmalaki ang buong team sa kaniyang tagumpay

Posted on: July 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Labis ang pasasalamat ni Pinay weightlifting champion Hidilyn Diaz sa kaniyang kasamahan na naging susi sa tagumpay nito para makuha ang kauna-unahang gintong medalya ng bansa sa Tokyo Olympics.

 

 

Kinibibilangan ito ng kaniyang coach na si Jeaneth Aro bilang nutritionist, sports psychologist Dr. Karen Trinidad; weightlifting coach Kaiwen Gao at strenght and conditioning coach Julius Naranjo na kaniyang nobyo.

 

 

Sinabi nito na hindi siya makaka-survive sa pandemic kung wala ang mga taong nasa likod ng kaniyang tagumpay.

 

 

Hindi aniya nito makakaya na mag-isa kaya mahalaga aniya ang tulong nila.

 

 

Nagsimulang magsanay si Diaz sa ilalim ng Chinese na si Gao bago ang tagumpay nito sa 2018 Asian Games sa Jakarta.

 

 

Si Gao ay siyang head coach ng mga babaeng National Army team ng China mula pa noong 1980.

 

 

Sinanay niya ang dalawang Olympic gold medalists na sina Zhou Lulu noong 2012 at Chen Xiexia noong 2008.

 

 

Nakilala naman nito si Filipino-Japanese weightlifter Julius Naranjo sa international tournament sa Ashgabat, Turkmenistan noong 2017.

 

 

Humanga ito sa galing ni Hidilyn kaya nagkainterest itong isanay siya.

EDSA Busway at MRT 3 patuloy ang maayos na operasyon

Posted on: July 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sa kabila ng naiulat na pagbigat ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA simula ng mga nakaraang Linggo, nananatili pa ring maayos ang operasyon ng EDSA Busway at MRT-3.

 

Simula nang pansamantalang itigil ang Libreng Sakay sa ilalim ng Service Contracting Program, tinatayang nasa mahigit 100,000 pa rin ang naitatalang average ridership ng EDSA Busway ngayong buwan ng Hulyo.

 

Ayon sa monitoring ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), higit 300 na pampasaherong bus ang bumibiyahe sa EDSA Busway araw-araw, at inaasahang madaragdagan pa ang kanilang bilang upang matugunan ang passenger demand sa naturang ruta.

 

Nananatili namang mabilis ang travel time para sa mga commuters at pampasaherong bus na bumabagtas sa EDSA Busway. Noon, kung inaabot ng 3-4 na oras ang biyahe ng bus mula Monumento hanggang PITX, ngayon dahil sa EDSA Busway, umaabot na lamang ito sa 45 minuto hanggang isang oras.

 

Dahil dito, patuloy na hinihikayat ng Department of Transportation (DOTr), sa pamumuno ni Secretary Art Tugade, at ng LTFRB ang publiko na gamitin ang EDSA Busway, upang makatulong sa pagbabawas ng bilang ng mga sasakyan sa kalsada, at pagbigat ng daloy ng trapiko sa EDSA, lalo na tuwing rush hour.

 

Hinihikayat rin ng DOTr at LTFRB ang publiko at mga private vehicle owners na patuloy na gamitin ang MRT-3 kung sila ay babiyahe sa kahabaan ng EDSA.

 

Ang MRT-3 ay patuloy na nakakapagbibigay ngayon ng mas maganda, mas maayos, at mabilis na serbisyo sa ating mga commuter. Inaasahang mas gaganda pa ang serbisyo nito oras na matapos ang massive rehabilitation and maintenance na isinasagawa ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy mula sa bansang Japan sa December 2021.

 

Bukod dito, inaasahang maibabalik na rin ang Service Contracting Program sa ilalim ng regular budget ng gobyerno upang mabigyan ng insentibo ang mga Public Utility Vehicles (PUV) na magbigay ng ginhawa sa mga pasahero sa pamamagitan ng Libreng Sakay.

 

Antabayanan ang iba pang anunsyo ng DOTr,  LTFRB, at MRT-3 kaugnay ng Service Contracting Program, MRT-3, EDSA Busway,  at iba pang impormasyon patungkol sa iba pang programa ng ahensya.

 

 

Sa kabilang dako, Sa nakaraang panayam kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos kanyang sinabi na kahit na dumami na ang dami ng mga sasakyan, sa ngayon naman ay gumagalaw ng mabilis ang trapiko kumpara noong bago pa magkaron ng pandemya.

 

 

“In terms of speed, the vehicles are faster, compared to before. The cars are now at 24 kilometers per hour, while before, cars ran at 11 kilometers per hour,” wika ni Abalos. (LASACMAR)

OCTA sa gov’t: Maging maagap vs Delta variant

Posted on: July 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inirekomenda ng OCTA Research group sa pamahalaan na magpatupad na sa lalong madaling panahon ng “bold moves” gaya ng “circuit-breaker” lockdowns laban sa Delta variant sa Pilipinas.

 

 

Sa Laging Handa briefing kaninang tanghali, sinabi ni Dr. Guido David na ang reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) ay pumalo na sa 1.33, malayong-malayo kung ikukumpara sa 0.68 lang sa nakalipas na buwan.

 

 

Sa ngayon, hindi pa aniya tukoy kung ano ang totoong dahilan sa pagtaas ng COVID-19 cases, pero posible na ito ay dahil sa Delta variant, na mas nakakahawa kung ikukumpara sa orihinal na strain ng coronavirus.

 

 

Ayon kay Professor Ranjiit Rye, nakakaranas na ng surge ang National Capital Region (NCR) sa mga nakalipas na araw, bagay na hindi aniya dapat balewalain o palampasin lamang.

 

 

Kapag hindi kasi aniya mapigilan ito, posibleng aabot sa 1,000 cases ang maitatala kada araw sa NCR lamang.

 

 

Kaya payo nila sa pamahalaan ay maging maagap tulad ng ginawa ng Australia at New Zealand para maiwasan na lumala pa ang sitwasyon tulad ng nangyari sa India at Indonesia kung saan hindi kinaya ng kanilang health care system ang sobrang dami ng mga naitatalang bagong kaso sa kada araw.

 

 

Kaugnay nito, hinikayat ng OCTA ang publiko na iwasan na muna ang pagkain sa labas gaya ng sa mga restaurant at pagdalo sa mga social gatherings.

 

 

Sinabi ni Rye na malaki ang posibilidad na kapitan ng virus ang isang tao lalo na kung hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

 

 

Sa ngayon, 119 na ang Delta variant cases sa Pilipinas. (Daris Jose)

Life story ng first Olympic Gold Medalist na si HIDILYN na ginampanan ni JANE, muling mapapanod sa ‘Maalaala Mo Kaya’

Posted on: July 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DUMATING noong Miyerkoles ng hapon mula sa Tokyo si Hidilyn Diaz after niya magwagi ng gold medal sa weightlifting last Monday.

 

 

Napanood ng buong bansa ang panalo ni Hidilyn which was a shining moment para sa lahat ng mga Pilipino.

 

 

Ang panalo ni Hidilyn ng gold medal, tapos nakagawa pa siya ng Olympic record, ay nagbigay ng pag-asa and lifted the spirits ng mga Pilipino na hanggang ngayon ay lumalaban pa rin sa Covid-19 virus.

 

 

Maraming naluha habang pinapanood si Hidilyn sa kanyang winning moment. Tapos first time narinig ang Philippine national anthem sa Olympic after 97 years.

 

 

It was a historic moment indeed kaya dapat lang na ipagbunyi natin ang panalo ni Hidilyn ng gold medal after getting a silver medal in 2016 Rio Olympics.

 

 

Nakatutuwa na maraming incentives na matatanggap ang babaeng atleta. Ang dasal lang namin ay maibigay talaga sa kanya ang mga ito.

 

 

Hindi naman siguro sasapitin ang naging kapalaran ni Onyok Velasco who won a silver medal sa boxing sa Atlanta Olympics noong 1996 pero wala siyang natanggap sa mga sinabing incentives.

 

 

Matapos niyang magwagi ng silver medal sa 2016 Summer Olympics, her life story was featured sa Maalaala Mo Kaya that year, si Jane Oineza ang bida sa nasabing episode which will be replayed this Saturday sa MMK.

 

 

Congratulations, Hidilyn at sana magwagi ka pang muli in other competitions na sasalihan mo.

 

 

***

 

 

MAPAPAKINGGAN at masasabayan na ng fans ang iba’t ibang bersyon ng “Born to Win,” ang nakakaindak na debut single ng P-pop girl group na BINI tungkol sa walang takot na pagharap sa anumang hamon ng buhay.

 

 

Available na sa iba’t ibang streaming services ang “Born to Win” Maxi Single na may kasamang Latin version, EDM version, at string quartet version ng awitin na ginamit sa “The Runway,” kung saan inirampa ng BINI ang mga idinisenyong damit ni Francis Libiran para sa grand launch nila.

 

 

Mayroon ding instrumental version, pati na acapella version, kung saan nakaangat ang ganda at iba’t ibang kulay ng mga boses ng BINI members na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena.

 

 

Bukod sa mga bagong bersyon ng awitin, excited din ang BINI dahil binigyan ng spotlight ang “Born to Win” music video nila sa MTV Asia channel ngayong linggo, mula Hulyo 19 hanggang 25.

 

 

Mula nang ilunsad ang BINI noong Hunyo, nakapagtala na ang “Born to Win” ng higit sa 870,000 views sa YouTube at higit sa 300,000 na streams naman sa Spotify.

 

 

Ngayong taon naman, mapapakinggan din ang empowering message ng “Born to Win” dahil malapit nang ilabas ang iba’t ibang bersyon nito sa Bahasa, Thai, Japanese, at Spanish.

 

 

Pinaghahandaan na rin ng BINI ang joint concert nila kasama ang brother group nilang BGYO, pati na ang debut album nila na maglalaman ng mga orihinal na awitin.

 

 

Gaya ng BGYO, dalawang taon ding nag-training ang BINI sa ilalim ng Star Hunt Academy ng ABS-CBN, na hinahanda at hinahasa ang iba’t ibang talents na gustong maging international star.

 

 

Bago pa man ang official launch nila, gumawa na ng ingay ang BINI sa social media dahil sa pre-debut single nilang “Da Coconut Nut” noong Nobyembre 2020 at nag-viral din ang ilang TV performances nila sa parehong local at international fans.

(RICKY CALDERON)

‘Golden girl’ Hidilyn Diaz pabalik na ng PH, pasalubong ang ‘Olympic gold medal’

Posted on: July 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pabalik na ng Pilipinas si Hidilyn Diaz matapos ang matagumpay na kampanya sa Tokyo Olympics dala ang gold medal sa nilahukan na weightlifting competitions.

 

 

Sa ulat  mula sa Narita International Airport sa Japan, maliit lamang daw ang entourage ni Diaz kung saan kasama rin pabalik ang presidente ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas na si Monico Puentevella.

 

 

Ayon sa report ni Briones, pagdating ng Narita International Airport ay pinasalubungan pa ng bouquet of flowers si Diaz mula sa Philippine Airlines (PAL).

 

 

Inaasahang bago mag-alas-6:00 ng gabi ay lalapag sa NAIA ang sinakyang PAL flight nina Diaz.

 

 

“Toast of the town” ngayon si Hidilyn dahil siya ang naging daan upang matuldukan na rin ang pagkauhaw ng Pilipinas sa gintong medalya sa Olimpiyada na inabot na rin ng halos 100 taon.

 

 

Mula pa kasi noong taong 1924 ay lumalahok na ang Pilipinas sa Olympics pero kailanman ay hindi pa napanalunan ang gold medal.

 

 

Sa pagbalik ni Hidilyn sa bansa, tiyak na ang kabi-kabilang hero’s welcome sa kanya at ang nag-aantay na mahigit sa P35 million case na incentives, meron ding house and lot, condo units at iba pa.

Duterte may sorpresa kay Diaz

Posted on: July 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Malaking halaga ang balak na ibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte kay 2021 Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na aabot sa milyon-milyon piso, ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

 

 

Ayon kay Roque, iuukit sa kasaysayan ng Pilipinas ang pangalan ni Hidilyn at nangako si Duterte na magbibigay ng milyon-milyong piso sa sinumang makakapagbigay ng gintong medalya sa Pilipinas.

 

 

Pero tumanggi si Ro­que na tukuyin ang eksaktong halaga dahil posible pa aniya itong tumaas na karapat-dapat aniyang ibigay kay Hidilyn.

 

 

Sinabi rin ni Roque na kung ano man ang pagkukulang (sa suporta) noong nagti-training pa si Hidilyn ay tiyak na mababawi dahil sa ibibigay ng pamahalaan at ng pribadong sektor.

 

 

Idinagdag ni Roque na hindi mababayaran ng salapi ang tagumpay ni Hidilyn at sasamahan ng gobyerno ng pabuya ang kanilang pagbati sa kauna-unahang Filipina na nag-uwi ng gintong medalya mula sa Olympics.

Ads July 29, 2021

Posted on: July 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

AIKO at MARTIN, nagkaroon ng reunion sa 14th birthday ng kanilang anak na si MARTHENA

Posted on: July 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGULAT ang marami sa biglang pagpanaw ng veteran actor na si Orestes Ojeda sa edad na 65.

 

 

Pancreatic cancer ang naging sakit ng aktor at pumanaw siya noong Martes, 4:13 PM sa isang ospital sa Taguig City.

 

 

Ang anak ni Ojeda na si Lois Nicole Pagalilauan ang nagkumpirma sa nangyari sa aktor. Ayon kay Pagalilauan, isang rare form of cancer sa pancreatic region meron ang kanyang ama.

 

 

“He’s been in and out of the hospital until his situation deteriorated this month.   “Thank you for all the messages of sympathy. It’s all been touching and overwhelming,” sey ni Pagalilauan.

 

 

Sa The Heritage Park in Taguig gagawin ang ang burol ni Ojeda. Naka-schedule naman daw sa araw ng Linggo ang libing nito.

 

 

Pinanganak bilang Luis Pangalilauan si Orestes Ojeda sa Cagayan Valley, Tuguegarao. Ang direktor na si Joey Gosiengfiao ang nakadiskubre kay Orestes sa edad na 17 at una siyang lumabas sa pelikula ni Ariel Ureta na Zoom, Zoom, Superstar in 1973.

 

 

Sunud-sunod ang mga pelikulang ginawa ni Orestes tulad ng Sunugin Ang Samar, Aguila, Isang Gabi Tatlong Babae, Ang Boyfriend Kong Baduy, May Isang Tsuper Ng Taxi, Manila By Night, Broken Marriage, The Graduates at maraming pang iba.

 

 

Noong mauso ang bold movies noong ’80s, na-cast din si Orestes sa mga pelikulang Scorpio Nights, Dingding Lang Ang Pagitan, Inosente, at Angkinin Mo Ako.

 

 

Pinasok naman ni Orestes ang action noong ’90s sa mga pelikulang Maging Sino Ka Man, Shotgun Banjo, Padre Amante Guerrero, Bangis, Kahit Mabuhay Kang Muli at Sige Subukan Mo.

 

 

Naging art enthusiast din si Orestes at naging supportive siya sa maraming upcoming artist sa kanyang art gallery na Art Cube at Art Verite.

 

 

***

 

 

KAHIT na matagal nang hiwalay, good friends pa rin ang dating mag-asawang Aiko Melendez at Martin Jickain.

 

 

Nagkaroon ng reunion ang ex-couple sa 14th birthday ng kanilang anak na si Marthena.

 

 

Kasama rin sa birthday celebration ni Marthena ay ang boyfriend ni Aiko na si Zambales Vice Governor Jay Khonghun, at ang panganay niya kay Jomari Yllana na si Andre Yllana.

 

 

“Advance happy birthday our baby girl we love you @jickainmarthena from your dad @martinjickain and from us @andreyllana tito @vicegov_jaykhonghun and I,” post ni Aiko sa Instagram.

 

 

Nasabi na noon ni Aiko na sinisigurado niya na magkaibigan sila ng mga nakarelasyon niya noon. Lalo na raw kina Jomari at Martin dahil may mga anak siya sa mga ito.

 

 

Hinahanda na rin ni Aiko ang kanyang sarili para sa book two ng Prima Donnas na early next year na ang lock-in taping. Kelan lang ay nagkaroon na sila ng story conference via Zoom kunsaan nagbabalik ang original cast tulad nina Katrina Halili, Wendell Ramos, Elijah Alejo at ang tatlong Donnas na sina Jilliam Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo.

 

 

Si Gina Alajar pa rin ang magdidirek.

 

 

***

 

 

EXCITING ang paparating na Sabado, July 31, para sa Kapuso viewers na nabitin sa world-class performances ng mga baguhan dahil muling mapapanood sa telebisyon ang weekend talent show na Catch Me Out Philippines.

 

 

Kasama pa rin ang host na si Jose Manalo at ang regular Celebrity Spotter na si Derrick Monasterio, tutukan ang mga inihandang nakakamanghang performances ng amateurs.

 

 

Makikisaya sa hulihan at hulaan ngayong Sabado ang Celebrity Spotters na sina Aiai delas Alas at Mark Bautista, kasama rin ang Celebrity Catchers na sina Ysabel Ortega, Thea Astley, Jamir Zabarte, Miggy Tolentino, at Jeniffer Maravilla.

 

 

‘Wag nang magpahuli sa pagbabalik ng Catch Me Out Philippines ngayong July 31, 7:15 p.m. sa GMA Network.

(RUEL J. MENDOZA)