• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 10:53 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2021

Tokyo 2020 Olympic chief tiniyak na mahigpit na babantayan ang COVID-19 cases

Posted on: July 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mahigpit na babantayan ng Tokyo 2020 organizing committee ang bilang ng mga nadadapuan ng COVID-19.

 

 

Ayon kay Toshiro Muto ang Tokyo 2020 chief na magsasagawa kaagad sila ng pagpupulong kung kinakailangan kapag lalong lumala ang bilang ng COVID-19.

 

Ilang araw kasi bago ang nasabing pormal na pagbubukas ng Olympics ay umaabot na sa mahigit 70 dinapuan ng virus.

 

 

Taliwas naman ito sa naging pahayag ni International Olympic Committee (IOC) president Thomas Bach na hindi nila iniisip ngayon ang kanselasyon ng nasabing torneo.

Sotto ‘di lalaro sa Gilas sa Jordan at Indonesia

Posted on: July 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi na makakapaglaro si Kai Zachary Sotto para sa Gilas Pilipinas na sasali sa dalawang torneo sa buwang ito at sa papasok sa magkaibang bansa.

 

 

Ito ay sa King Abdullah Cup 2021 sa Amman, Jordan sa Huly 26-Agosto 3, at sa 30th International Basketball Federation Asia Cup 2021 Final sa Jakarta, Indonesia sa Agosto 17-29.

 

 

Ipinabatid ng handler ng 19-year-old, 7-foot-3 Pinoy cage phenom  ang bagay sa Samahang basketbol ng Pilipinas Miyerkoles.

 

 

Idinahilan ang commitment na ni Sotto para sa Adelaide 36rs sa nalalapit na pagbubukas ng 44th National Basketball League-Australia 2021-22 sa Down Under.

 

 

Ang parehas na rason din ang nagpaliban sa basketbolista sa Gilas national training pool bubble camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna bilang paghahanda sa FIBA Asia Cup final.

 

 

Pa-Jordan ang national men’s basketball sa linggong ito na bubuuin nina Ange Kouame, Dwight Ramos, SJ Belangel, Isaac Go, RJ Abarrientos, Justine Baltazar, William Navarro, Mike Nieto, Carl Tamayo, Jordan Heading at Geo Chiu. (REC)

P12.4 B CRK terminal building nagkaron ng inagurasyon

Posted on: July 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagkaron ng inagurasyon ang P12.4 state-of-the-art na terminal building ang Clark International Airport na ginanap noong nakaraang Sabado.

 

 

Ang nasabing bagong airport ay mayroon state-of-the-art features tulad ng contactless baggage handling at passenger check-ins and check-outs na siyang  kinatuwa ni President Duterte ng siya ay dumalo sa inagurasyon.

 

 

“We are thankful that another major component of this administration’s Build, Build, Build’s program is ready for the benefit of the people. This structure before us reflects the administration’s unyielding commitment to improve the quality of life of every Filipino by providing big ticket infrastructure projects such as this that will improve connectivity, mobility, create jobs and spur economic activity in the regions,” wika ni Duterte.

 

 

Nakatakdang buksan ang CRK ngayon darating na September kung saan ito ay ginawa upang mapagkasya ang mahigit na eight million na pasahero kada taon. Hangad din nito na makapagbigay ng isang paglalakbay sa himpapawid ng walang problema at walang pagod sa tinawag na “Asia’s Next Premier Gateway.”

 

 

Tinawag din ang airport project na isang kaunaunahang hybrid na proyekto ng public-private partnership na nasa ilalim ng programang Build, Build, Build ng Duterte administration.

 

 

Sinabi rin ni Duterte na ang bagong terminal ay makakatulong upang hindi na magsikip sa abalang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil maaari na itong maging isang alternatibong airport sa Luzon at upang ang paglalakbay ng mga Filipinos at turista ay maging ligtas, madali, at komportable.

 

 

Binigyan diin naman ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Tugade na kapag sinabing world-class passenger na terminal ang CRK, ito ay nanganguhulugan na ito ay isang pasilidad na mayroon pangunahin at historical na features.

 

 

“It is pioneer in being a contactless airport. These include contactless baggage handling as well as contactless passenger check-in and check-out. Even contactless ordering of food in restaurants will implemented,” saad ni Tugade.

 

 

Magkakaron rin ito ng isang train express na magdudutong mula sa Manila at sa nasabing airport na makakabawas ng travel time sa pagitan ng Makati at Clark mula sa dalawang (2) oras ng paglalakbay kung saan ito ay magiging 55 minuto na lamang.

 

 

Tulad sa ibang airport sa mundo, mayron itong heroes’ lounge para sa mga military, police at ibang pang uniformed personnel. Mayron din lounge para gamitin ng mga Filipino overseas workers ng walang bayad.

 

 

May mga restrooms din na para lamang sa mga gender-inclusive at PWD at advanced docking guidance system. Limitado naman ang paggamit ng public address system kung kaya’t magpapatupad ng Silent Airport Policy.

 

 

Pinasalamatan din ni Duterte ang DOTr, Bases Conversion Development Authority (BCDA) at ang pribadong sektor na kanilang katuwang sa proyektong ito na kanilang tinawag na “massive achievement.”

 

 

Pinuri naman ni BCDA president Vince Dizon ang may mahigit na 3,000 na workers, engineers, architects at designers na nagtayo ng world-class na CRK na naging realidad sa mga Filipino.  (LASACMAR)

Banta ng Delta variant: Mga magulang, pinayuhang ‘wag palabasin mga bata

Posted on: July 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hinihimok ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga magulang at bantay ng mga bata na kung maaari ay panatilihin na lamang sa loob ng bahay ang mga menor de edad.

 

 

Ito’y sa harap na rin nang patuloy na pagtaas ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) Delta variant cases at habang pinag-aaralan pa ng Inter Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang proposed suspension sa pagpayag sa mga bata na gumala sa labas.

 

 

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, nawa’y maunawaan ng mga magulang na sa kasalukuyan ay hindi pa ganap na alam ang epekto ng Delta variant kaya minabuti muna ng mga alkalde ng Metro Manila na hilingin sa IATF ang pagpayag sa mga bata na makalabas ng bahay.

 

 

Sa ngayon, nakapagpadala na aniya ang Metro Manila Council ng liham kay Health Secretary Francisco Duque III hinggil sa proposal ng mga alkalde kasunod na rin nang paghingi ng payo sa mga eksperto.

 

 

Dahil hindi pa bakunado ang mga menor de edad, sinabi ni Abalos na dapat manatili muna ang mga ito sa loob ng kanilang bahay.

 

 

Kung maaalala, pinayagan na ng Food and Drugs Administration ang pagtuturok ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer sa mga batang edad 12 hanggang 15-anyos pero sa ngayon ay hindi pa ito nasisimulan ng pamahalaan.

DTI nilinaw na para sa international promotion ang pagluluto ng adobo standards

Posted on: July 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) na para lamang sa international promotions ang panukalang adobo standard at hindi ito mandatory standard sa mga kabahayan.

 

 

Ayon sa DTI na ang panukala na magkaroon ng standard recipe para sa mga pagkaing Pinoy gaya ng adobo na magkaroon ng traditional recipe ay naisip para ma-promote ito sa ibang bansa.

 

 

Paglilinaw pa ng ahensiya na bawat lugar ay may kaniya-kaniyang diskarte sa pagluto ng sikat na pagkaing Filipino.

 

 

Magugunitang bumuo ang Bureau of Philippine Standards (BPS) ng DTI ng technical committee para ma-standardize ang mga pagkaing Filipino.

 

 

Bukod sa adobo plano din ng BPS na mgkaroon ng standard na pagluluto ng ilang putahe gaya ng sinigang, lechon at sisig.

 

 

Paglilinaw pa ng ahensiya na bawat lugar ay may kaniya-kaniyang diskarte sa pagluto ng sikat na pagkaing Filipino.

 

 

Magugunitang bumuo ang Bureau of Philippine Standards (BPS) ng DTI ng technical committee para ma-standardize ang mga pagkaing Filipino.

 

 

Bukod sa adobo plano din ng BPS na mgkaroon ng standard na pagluluto ng ilang putahe gaya ng sinigang, lechon at sisig.

2 HOLDAPER NA TIRADOR NG GASOLINAHAN, TIMBOG SA CALOOCAN

Posted on: July 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DALAWANG batang miyembro ng robbery holdup group na bumibiktima sa mga gasoline station ang nasakote ng mga awtoridad matapos ang isang habulan sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) head Lt. Col. Jay Dimaandal ang naarestong mga suspek na sina Saipoden Agal, 23 ng Hidalgo St., Quiapo, Manila at John Ray Goopio, 19 ng Building 7 Katuparan Vitas, Tondo.

 

 

Armado ng calibre .45 pistol at cal. 22 revolver ang dalawa nang lapitan ang cashier booth ng Shell Gasoline Station na matatagpuan sa C-3 Road, Dagat-dagatan, Caloocan city dakong alas-11:30 ng gabi at tinutukan ang cashier na si Edmond Rivera, 39, sabay pahayag ng holdup.

 

 

Ayon kay officer-on-case P/MSgt. Julius Mabasa, kinuha ng mga suspek ang P7,290.00 cash at mabilis na tumakas subalit, hinabol sila ng mga operatiba ng DSOU na nagsasagawa ng surveillance operation sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila.

 

 

Sinabi ni Col. Dimaandal, ang pagkakaaresto sa mga suspek ay mula sa impormasyon na ibinigay sa kanila ni Lt. Col. Manny Israel at Lt. Col. Calvin Cuyag ng Northern District Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong July 6, 2021 hinggil sa isang grupo ng holdaper na nagpa-planong mang holdap ng gas station sa southern area ng Caloocan City.

 

 

Matapos ang halos dalawang linggong surveillance operation, natiyempuhan ng mga operatiba ng DSOU ang mga suspek na tumatakas matapos holdapin ang gas station at narekober sa kanila ang tinangay na pera at ginamit na mga baril sa panghoholdap. (Richard Mesa)

Hiling ni PDu30 sa national at local quarters, paigtingin ang vaccine information at education campaign

Posted on: July 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINILING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa national at local quarters na pataasin at paigtingin ang kanilang vaccine information at education campaign para mas mapataas pa ang kumpiyansa sa bakuna at marami pang tao ang magpabakuna laban sa Covid-19

 

Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi ay sinabi ng Chief Executive na dapat lamang na malaman ng mga mamamayang filipino ang kahalagahan ng bakuna.

 

“Alam mo ‘yung the importance of vaccines — ‘yang ‘yung word na “the importance of vaccines” you must get the vaccine or you die. Ilang beses na ‘yan na sinasabi na — many times,” ayon sa Pangulo.

 

Subalit, kung ayaw talaga niyang maniwala ng ilang tao sa kahalagahan ng bakuna at pagbabakuna ay mangyari na lamang aniyang huwag na lang lumabas ng bahay para walang mahawa ang mga ito.

 

“At kung ganyan ang — if that is your state of mind, actually to me you are antisocial, para kang galit sa tao. Ayaw… You are antisocial because in face of the danger confronting you and knowing fully well that it is really dangerous, you choose the path of this resistance by just not getting the vaccine at all. Ito ‘yung gusto kong — gusto ko, ito ‘yung gusto ko sila. Vaccines lang ito talaga,” ani Pangulong Duterte.

 

“Alam mo I don’t want to be ‘yung bunganga ko pero itong mga buang na ito, they not only endanger themselves, their family, but everybody they come in contact with. And everything that they touch or hold mag-iwan sila ng virus, they can spread and they called the spreader because they spread with more audacity, ika nga,” dagdag na pahayag nito.

 

Kaya, wala aniyang dahilan para magalit ang mga taong hanggang ngayon ay ayaw pa ring magpabakuna at wala pa ring tiwala sa bakuna sa mga pulis at sa mga military kasi utos niya na hulihin ang mga lalabag sa “health and safety protocols.”

 

“So hindi man nila kasalanan kasi ‘pag hindi nila na-implement, ‘pag may nakita ako na ano violation, sila man ang bubulyawan ko. So, in other words, they are just doing their duty. So kindly understand that. They would be the last or the least of the persons to tinker with the lives of people except that when they are called upon to do a duty, they do it with — kasi alam nila ang danger. So they themselves know that it is also to their advantage if they impose the restrictions more — hindi naman harder but more in line with the — in line with the regulations of government,” litaniya ni Pangulong Duterte. ( Daris Jose)

NAVOTAS PDLs NATURUKAN NA KONTRA COVID

Posted on: July 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASA 747 Persons deprived of liberty (PDLs) sa Navotas City Jail ang nakatanggap na ng kanilang unang dose ng Sputnik vaccine kontra COVID-19.

 

 

“PDLs are at high risk of contracting COVID-19 due to limited spaces in our city jail.  Through vaccination, we hope to ensure the health and wellness of our inmates and eliminate the risk of the facility turning into a COVID hotspot,” ani  Mayor Toby Tiangco.

 

 

Naglaan din ang lungsod ng 101 doses ng Sputnik para sa mga Navoteña PDLs sa Malabon City Jail-Female Dormitory.

 

 

Nauna rito, nasa 500 fish workers sa Navotas Fish Port Complex ang nakatanggap ng kanilang unang dose ng AstraZeneca vaccine sa pamamagitan ng night vaccination ng lungsod.

 

 

“Our goal is to vaccinate 150,000 Navotas residents and workers, and in order to accommodate them, we are willing to adjust our methods and schedules,” sabi ni Tiangco.

 

 

Hanggang July 16, nasa 98,317 residente at nagtatrabaho sa lungsod ang nakatanggap ng kanilang unang shot ng COVID-19 vaccine. 45,827 dito ang nakakumpleto na nang dalawang doses. (Richard Mesa)

Pinoy tennis star Alex Eala umangat ang puwesto sa tennis world ranking

Posted on: July 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Umagat ang world ranking ni Filipino tennis star Alex Eala.

 

 

Ayon sa tennis World Juniors ranking nasa pangalawang puwesto na ito.

 

 

Nakakamit kasi ito ng 467.5 points matapos na magwagi ng dalawang titulo sa Trofeo Bonfiglio, J Tournament sa Milan, Italy.

 

 

Nahigitan ng 16-anyos na si Eala si Elsa Jacquemot ng France sa nasabing puwesto.

 

 

Noong nakaraang Oktubre ay nakapasok ito sa ranking matapos na umabot ito sa semifinals ng 2020 French Open.

Pinas naghahanda sa suplay ng oxygen

Posted on: July 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naghahanda ang Department of Health (DOH) sa posibilidad ng pagkakaroon ng panibagong ‘surge’ sa mga kaso ng COVID-19 dahil sa Delta variant kung saan nangangailangan ng mas maraming suplay ng oxygen.

 

 

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mula nang magkaroon ng surge sa India ay nakaalerto na sila at naghahanda na sa posibilidad na makara­ting ang Delta variant sa Pilipinas.

 

 

“Currently our existing oxygen supply is sufficient but we need to add additional so that we can be more prepared,” ayon kay Vergeire.

 

 

May 35 kaso na ng Delta variant sa bansa kabilang ang 11 local ca­ses, dalawa ay sa Metro Manila.

 

 

Patuloy na inaalam ngayon ng DOH kung mayroon ng local transmission nito sa bansa.

 

 

“Our hospitals are now more guided that they should be expanding their beds already. Our local governments have been guided also they should intensify their PDITR (Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate) response,” ayon kay Vergeire. Nabati na ang Delta variant ay higit 60 porsiyentong mas nakakahawa kaysa sa Alpha variant na nakita sa UK.

 

 

Una nang sinabi ng Pilipinas na mag-iexport ito ng oxygen sa Indonesia bilang tulong sa tumataas na kaso ng COVID-19 dahil sa Delta va­riant sa nasabing bansa. (Daris Jose)