• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 11:29 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2021

MAVY at KYLINE, kinakiligan ng netizens ang photos na kuha sa lock-in taping

Posted on: July 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KINILIG ang netizens sa mga photos na lumabas nila Mavy Legaspi at Kyline Alcantara habang nasa lock-in taping sila ng I Left My Heart In Sorsogon.

 

 

Nakunan ng video ang eksena nila Mavy at Kyline habang naglalakad sila sa isang beach resort sa Sorsogon.

 

 

Kitang-kita ang kilig ng dalawa habang binibigyan sila ng instructions kunsaan sila dapat maglakad habang nagkukuwentuhan.

 

 

Naka-angkla si Kyline sa braso ni Mavy at ang sweet nilang tingnan. Inamin naman ni Mavy na crush niya si Kyline at napapangiti siya nito parati.

 

 

Tiyak na mas marami pang kilig ang aabangan sa loveteam nila Mavy at Kyline sa ginagawa nilang teleserye.

 

 

***

 

 

NAKUHA na ng Kapuso actor Kevin Santos ang kanyang lisensya bilang isang commercial pilot.

 

 

Pinost niya via Instagram ang kanyang commercial pilot license na nakuha niya noong April 20,2021. Ibig sabihin nito ay puwede nang kumita si Kevin bilang isang paid professional commercial pilot bukod sa pagiging isang private pilot.

 

 

Naging matiyaga si Kevin sa pagbalanse ng kanyang oras sa pag-aaral sa flight school at sa pag-aartista. Sinakripisyo raw niya ang kanyang pakikipagbarkada at paggigimik dahil gusto niyang makatapos at maging isang piloto.

 

 

“Ninety percent nandito. So far, nakaka-survive naman. Yun nga lang, medyo hindi na ko nakakalabas ng bahay. Hindi ako nakakagimik. Wala nang ganoon simula last year pa.

 

 

Wala na kong labas ng bahay kasi focus ng aral and, siyempre, kailangan magtipid dahil sa food and support sa family,” nasabi ng aktor sa 2018 interview niya.

 

 

Dahil sa kanyang tiyaga at sipag sa pag-aaral naka-graduate pa bilang cum laude si Kevin sa kurso niyang Political Science sa Arellano University noong nakaraang March 2021.

 

 

Bukod sa Daddy’s Gurl, mapapanood din si Kevin sa upcoming GMA Primetime teleserye na Legal Wives.

 

 

***

 

 

PANALO ang Kapuso stars na sina Alden Richards at Bianca Umali sa nagdaang 3rd Laguna Excellence Awards.

 

 

Kinilala bilang Outstanding Male Recording Artist of the Year ang Asia’s Multimedia Star para sa kanyang latest single under GMA Music na ‘Goin’ Crazy’.

 

 

Samantala, ang Legal Wives actress naman na si Bianca ang nanalo bilang Outstanding New Female Recording Artist of the Year para sa single rin niya under GMA Music na pinamagatang ‘Kahit Kailan.’

 

 

Siguradong proud na proud na naman ang fans nina Alden at Bianca sa natanggap nilang awards.

 

 

Congratulations, Kapuso!

(RUEL MENDOZA)

Diaz, Ando nakahanda na

Posted on: July 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAY dalawang bet ang Pilipinas sa 32nd Summer Olympic Games 2020 women’s weightlifting sa Tokyo, Japan na inatrasado ng Coronavirus Disease 2019 na papailanlang na ngayong Biyernes, Hulyo 23 at aabutin ng hanggang Linggo, Agosto 8.

 

 

Sila ay sina Hidilyn Diaz, 30 taon, 4-11 ang taas, ng Zamboanga City sa 55-kilogram class,  at Elren Ann Ando, 22, ng Cebu City sa 64kg.

 

 

Puwedeng ang pang-apat na quadrennial sports festival na ito ng sundalong dalagang si Diaz ang huli na niya.  Puntirya niyang madale ang gold medal para malampasan ang silver sa 2016 Rio de Janeiro Olympics.

 

 

At higit sa lahat matapos na ang may 96 na taong tag-uhaw sa gold ng mga Pinoy sa paligasahang ito,

 

 

Si Ando naman sa kabilang banda ang isa sa mga tinatayang susunod sa yapak ni Diaz.

 

 

Sa Lunes, Hulyo 26 na ang sabak ni Diaz,  kinabukasan o Martes si Ando sa sport na sisimulan sa Sabado, Hul. 24 at matatapos sa Miyerkoles, Agosto 4.

 

 

Parehong nagpahayag na ng kahandaan ang dalawa sa kanilang mga kampanya rito. (REC)

Trillanes, sinopla ni Roque

Posted on: July 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

vMARAMING mga Filipino ang patuloy na nagtitiwala at nasisiyahan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque bilang tugon sa sinabi ni dating senador Antonio Trillanes IV na bumababa na ang approval rating ni Pangulong Duterte sa Luzon, batay sa isang survey na isinagawa ng Magdalo group.

 

“Hindi ko maintindihan kung ano ang tinitingnan niyang survey ,” ayon kay Sec. Roque.

 

Kaya ang payo ni Sec. Roque kay Trillanes ay pag-aralan munang mabuti ang survey results na nagpapakita ng mataas na approval at trust scores ni Pangulong Duterte bago pa magpahayag na nawawala na ang tiwala at kumpiyansa ng taumbayan kay Pangulong Duterte.

 

“So, pag-aralan po nang mabuti ni Senator Trillanes ang mga survey results ng makita niya na patuloy pong nagtitiwala at patuloy pong satisfied ang taumbayan sa ating Presidente ,” ani Sec. Roque.

 

Sa ulat, sa Facebook post ni Trillanes ay makikita ang “Big news! The Magdalo survey results for July are in. For the 5th straight time, Duterte’s approval ratings are down,”

 

“Marami na talagang namumulat. Lumalaki rin ang chance ng opposition na manalo sa 2022,” dagdag ng dating senador.

 

Base sa survey nitong Hulyo 13 hanggang 14, 26.5 porsyento ang nagsabing “gustong-gusto/gusto” si Duterte mula sa 45.2 porsyento noong nakaraang taon sa parehas na panahon.

 

Habang 59.7 porsyento ang nagsabing “tama lang” mula sa 49.1 porsyento sa nakaraang taon.

 

At 13.9 porsyento naman ang nagsabing “ayaw/ayaw na ayaw” mula sa 5.6 porsyento ng nakaraang taon.

 

Matatandaang nanguna si Duterte at anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa isang survey para sa mga kandidatong nais ng publiko sa pagka-presidente at bise-presidente sa susunod na eleksyon. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Marcial, Watanabe barong Tagalog isusuot sa opening

Posted on: July 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ISUSUOT ng Team Philippines sa opening ceremony ng 32nd Summer Olympic Games 2020 ngayong Hulyo 23 sa Tokyo, Japan ang traditional barong Tagalog na gawa ni world-renowned designer Rajo Laurel.

 

 

Magdadala ng bandila ng bansa sina boxer Eumir Felix Marcial at judoka Kiyomi Watanabe sa programang sisimulan sa alas-8:00 nang gabi (alas-7:00 nang gabi sa ‘Pinas) sa may 68K-seating National Stadium.

 

 

Kaloob ng Philippine Sports Commission (PSC) sa liderato ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang parade uniforms ng mga atleta, coach at opisyal.

 

 

Gawa sa cocoon silk barong na may machine-embroidered pitchera design Muslin inner shirt at light wool black pants ang magiging parade costume ni Marcial.

 

 

Samantalang si Watanabe ay yari rin sa cocoon silk short blazer, machine embroidered front at sleeves na may neoprene spaghetti-strapped black inner blouse at neoprene black pants ang irarampa sa seremonyang aabutin ng apat na oras n may 205 kalahok na mga bansa. (REC)

Ads July 23, 2021

Posted on: July 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAKABAYANG PANGULO at DAYUHANG KAPITALISTA sa ILALIM ng SB 2094

Posted on: July 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sa ngayon ay maaring masakop ng malakas na bansa ang mas mahina hindi lang sa paggamit ng “military power” kundi ng “economic power”.   Maaring malubog na sa utang ang mas mahinang bansa na hindi maayos sa paghawak ng ekonomiya kaya walang magagawa kundi isuko na lang ang sarili sa pamamagitan ng malalaking negosyo at kontrata sa gobyerno. Isa ito sa pinangangambahan ng mga tutol sa pag-aalis ng ‘nationality restriction requirement’ sa Saligang Batas na 60 – 40 pabor sa Pilipino sa mga public utility industries.

 

 

Kailangan ang mga dayuhang kapitalista sa ekonomiya kaya nga pwede sa mga public utilities kahit hanggang 40 percent na foreign ownership. Sa mga hindi naman public utility ay pwede lumampas sa 40 percent na pagmaymayari ng dayuhan ang pinapayagan ng batas.  Pero bakit nga ba dapat lamang ang pag-aari ng pinoy sa public utility industries – dahil kapag kontrolado ng dayuhan ng buong buo ang tubig, kuryente, broadcast, telepono, transportasyon, at iba pa ay kontrolado na ng dayuhan ang Pilipinas nang hindi man lang nagpapaputok kahit isang bala.  Ang panganib na ito ay pangamba rin ng mga mambabatas na nagsusulong ng SB2094 na bubukas ng bukang-buka ang mga industriyang binanggit sa dayuhan maliban sa kuryente at tubig.

 

 

Sa panukala :

 

Sec. 14 Review of Foreign Direct Investment in Covered Transactions

A. National Security Reviews, how initiated – The President or the National Security Council shall initiate a review of a covered transaction TO DETERMINE ITS EFFECTS ON THE NATIONAL SECURITY OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES if

  1. The covered transaction is a FOREIGN GOVERNMENT CONTROLLED TRANSACTION; and,
  2. The transaction would RESULT IN CONTROL OF ANY CRITICAL INFRASTRUCTURE OF OR WITHIN THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES.

 

Karagdagan sa maaring gawin ng Pangulo ay:

 

Action by the President – The president MAY take (not ‘shall take’ – ibig sabihin depende sa kanya) such appropriate action including suspension of a covered transaction involving critical infrastructure that THREATENS TO IMPAIR THE NATIONAL SECURITY OF THE PHILIPPINES.

 

 

So, kung maipapasa ang panukala at maging batas ay nakasalalay sa Pangulo ang pagdepensa ng bansa laban sa “economic takeover” ng dayuhang bansa gamit ang kanilang mga kapitalista. Kaya nga kinakailangan pagaralang mabuti ang panukalang ito bago pa tayo mawalan ng sariling bayan.

 

 

Sa 2022 at lantad na ang mga kandidatong presidente at mga mambabatas, kailangan maging klaro ang posisyon nila sa mahalagang isyung ito.

 

 

Sa mga botante ok lang na maaliw tayo sa pagsasayaw o pagkanta ng mga kandidato, tanggapin ang pera siguruo o mg bagay na ibinibigay nila pero mas isipin natin na iba na kapag BOTO MO ANG PINAGUUSAPAN. SAGRADO YAN.

 

 

Ibigay natin ang botong yan sa mga kandidatong tunay na may malasakit sa bayan at kaya tayong lahat na ipaglaban! (Atty. Ariel Enrile-Inton)

P5-trillion national budget, imumungkahi ni PDu30 bago matapos ang termino sa Hunyo ng susunod na taon

Posted on: July 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IMINUMUNGKAHI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang P5-trillion national budget bago matapos ang kanyang termino.

 

Nitong Lunes, inaprubahan na ng Development Budget Coordination Committee (DBCC), isang inter-agency body na ang atas ay magtakda ng macroeconomic targets ng bansa, ang P5.024 trillion expenditure ceiling para sa taong 2022.

 

Ayon sa DBCC, ang 2022 National Expenditure Program, na isusumite sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa oras na magpatuloy na ang sesyon nito ay mas mataas ng 11.5 porsiyento kumpara sa P4.506 trillion general appropriations ngayong taon.

 

“Of the proposed 2022 budget, the executive department earmarked P1.29 trillion for infrastructure projects, equivalent to 5.8 percent of the country’s economy, or gross domestic product (GDP),” ayon sa ulat.

 

Ang DBCC, na pangunahing pinamumunuan ng finance, budget at economic planning secretaries ay nagpahayag na ang inaprubahang national budget ay patuloy na gugugulin para sa pagtataguyod ng katatagan ng bansa sa gitna ng pandemiya.

 

Partikular na rito ayon sa inter-agency body ay ipa-prayoridad ng pamahalaan ang pagpopondo sa COVID-19 response measures, gaya ng healthcare development at social services, habang pinatatas naman ang economic growth sa pamamagitan ng investments o pamumuhunan sa public infrastructure.

 

“In 2022, state revenue haul is seen to hit P3.29 trillion, or 14.9 percent of the economy, while the estimated level of expenditures was set at P4.95 trillion, equivalent to 22.4 percent of GDP,” ayon pa rin sa ulat.

 

Pinrograma naman ng national government programmed ang budget deficit ceiling nito sa 7.5 percent para sa susunod na taon, mababa kumpara sa 9.3 percent ngayong taon.

 

“Slimmer financing gap next year is in line with the government’s “fiscal consolidation strategy” of bringing back the country’s budget deficit to pre-pandemic levels,” ayon sa DBCC.

 

Samantala, ang budget proposal ni Pangulong Duterte ay naka-angkla sa palagay nito na ang local economy ay mananatiling lalago ng 6.0 percent hanggang 7.0 percent ngayong taon sa kabila ng banta ng quick-spreading Delta variant sa bansa.

 

Pinapanatili namang naman ng kanyang economic managers ang kanilang 2021 GDP target, sabay sabing nananatiling attainable ang range nito bunsod ng pagbaba ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa simula nang sumirit ito noong abril at ang gradual reopening ng ekonomiya na mayroong targeted granular lockdowns. (Daris Jose)

 

Plano ni Sec. Roque sa politika, nakasalalay sa population protection

Posted on: July 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KAILANGAN na makamit muna ng bansa ang population protection bago pa magdesisyon si Presidential Spokesperson Harry Roque kung ano talaga ang kanyang plano sa pulitika.

 

Nakasama kasi ang pangalan ni Sec. Roque sa senatorial lineup ng ruling party para sa 2022 national elections na isinasapinal na ngayon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

“So, diyan muna po tayo tututok. So, siguro po kapag nakamit na natin iyong tinatawag na population protection, iyon po ang panahon para magdesisyon kung ano po ang magiging plano natin sa politika pero sa ngayon po, nakatutok po tayo sa ating katungkulan,” ani Sec. Roque.

 

Aniya, bumalik siya bilang Spokesperson sa panahon ng pandemiya dahil naniniwala siya na kinakailangan ang “factual at accurate” na mga impormasyon para makuha ng taumbayan sa panahon ng pandemiya.

 

“So, nakatutok po tayo diyan kasama din po sa ating ginagawa ang pagdalo sa lahat ng mga symbolic vaccinations na isang paraan na mapataas pa ang kumpiyansa sa pagbabakuna dahil gaya ng sinabi ni Dr. Solante, epekibo po ang lahat ng bakuna na ibinibigay natin sa ating mga kababayan laban sa lahat ng variants,” aniya pa rin.

 

Samantala, nagpasalamat naman si Sec. Roque kay PDP-Laban vice president for Visayas at Eastern Samar Governor Ben Evardone sa kumpiyansang ibinigay sa kanya nito at ng partido.

 

Sa ulat, isinasapinal na ni Pangulong Duterte ang senatorial lineup ng ruling party para sa 2022 national elections.

 

“President Rodrigo Roa Duterte is now finalizing his senatorial line-up composed of reelectionist, returning senators, cabinet members, and prominent personalities,” ayon kay PDP-Laban vice president for Visayas at Eastern Samar Governor Ben Evardone.

 

Ayon kay Evardone, kasama sa inisyal na listahan sina Public Works and Highways Secretary Mark Villar, Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, Presidential Spokesperson Harry Roque, Transportation Secretary Arthur Tugade, Labor Secretary Silvestre Bello III,  at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

Kabilang din sina House Deputy Speaker Loren Legarda, Information and Communications chief Gregorio Honasan II, Senate Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri, dating senador JV Ejercito, Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos, Presidential Anti-Corruption Commission Greco Belgica, at Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar.

 

Ang mga personalidad na gaya naman nina Willie Revillame at Robin Padilla at broadcaster na si Raffy Tulfo ay kasama rin sa listahan ng posibleng senatorial candidates.

 

Sinabi ni Evardone na nais ni Pangulong Duterte na personal na ikampanya ang mga posibleng kandidato ng PDP-Laban.

 

“The track record in public service, integrity, competence, and their unselfish commitment to serve the poor and the less fortunate are among the considerations in selecting these individuals,” ayon kay Evardone.

 

At sa tanong naman kung kailan ang target date sa pagsasapinal ng lineup, sinabi ni Evardone na nagsasagawa pa ng konsultasyon si Pangulong Duterte lalo pa’t maraming aspirante ang nais na makasama sa ie-endorso ng Pangulo.

 

“PRRD’s endorsement power is very potent because of his enormous popularity,” ani Evardone. (Daris Jose)

Nievarez planado na laban

Posted on: July 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BUO ang magiging balak ni Cris Nievarez sa kanyang laban sa pinandemyang 32nd Summer Olympic Games 2020 rowing men’s single sculls ngayong Biyernes ng umaga pa ang opening ceremonies sa alas-8:00 nang gabi (alas-7:00 nang gabi sa Maynila).

 

 

“Ang goal lang naman is makalapit sa kung sino man ang magli-lead and try to sustain it kung kaya hanggang finish line,” salaysay Martes tapos ng praktis sa Sea Forest Waterway ng 21-anyos, 5-11 ang taas at isinilangsa Atimonan, Quezon.

 

 

Siya ang unang pambato ng bansa sa sa 19 na Olympian sa quadrennial sports meet sa Tokyo, Japan makaraang mag-qualify sa continental pick sa Asia Oceania Qualification Regatta sa Tokyo rin noong Mayo.

 

 

Lumanding si Nievarez na pangsiyam siya. Pero umangat sa pang-apat dahil sa pasok na sa Summer Games ang nasa pang-apat hanggang pangwalong rower sa Qualification. (REC)

2 MANGINGISDA, NASAGIP NG COAST GUARD

Posted on: July 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASAGIP ng Philippine Coast Guard (PCG) Sub-Station Calatagan ang dalawang mangingisda  ng tumaob na motorbanca sa baybaying tubig ng Cape Santiago Light Station sa  Calatagan, Batangas.

 

 

Ayon kay  PCG Station Batangas Commander, Captain Geronimo Tuvilla, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Vessel Traffic Monitoring System (VTMS) – Batangas na may iniulat na tumaob na motorbanca sa nasabing katubigan.

 

 

Agad namang ipinagbigay  ng  PCG Station Batangas sa  PCG Sub-Station Calatagan para sa search and rescue (SAR) team sakay ng Coast Guard aluminum boat, AB-179.

 

 

“Despite the strong waves and wind condition prevailing in the area, the SAR team was able to find and rescue the two fishermen,” pahayag ni  Captain Tuvilla

 

 

Ligtas naman ang dalawang mangingisda habang ang kanilang motorbanca ay hinila sa pampang. GENE ADSUARA