KUMBINSIDO ang Malakanyang na ang di umano’y naispatan na Chinese militia vessels sa Julian Felipe Reef (Union Reefs) sa West Philippine Sea ay hindi magiging dahilan para maulit ang 2012 Scarborough Shoal (Bajo de Masinloc o Panatag) standoff.
Higit 200 Chinese maritime militia vessels kasi ang natuklasang namamalaot sa isang bahagi ng West Philippine Sea.
Batay sa report ng Philippine Coast Guard, na ipinadala sa National Task Force for the West Philippine Sea, tinatayang 220 maritime militia vessels ng Beijing ang naka-angkla sa Julian Felipe Reef noong March 7.
Tiwala si Presidential Spokesperson Harry Roque na mapipigilan ng matibay na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at China na mangyari muli ang naturang insidente.
“I don’t think so po dahil mayroon po tayong malapit na pagkakaibigan. Lahat naman po ay napag-uusapan sa panig ng mga magkakaibigan at magkapit-bahay , ayon kay Sec. Roque.
Samantala, ipinaubaya na ng Malakanyang sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkilos sa usapin nang pagpasok ng nasa 220 militia vessels ng China sa Julian Felipe Reef na nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Ang katuwiran ni Sec. Roque, nakatuon ang kanilang pansin sa COVID-19 pandemic.
Kinumpirma ni Sec. Roque na naghain na ng diplomatic protest si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, kagabi, Marso 21.
“Well, naprotesta na po ‘yan ng DFA matapos makumpirma ni National Security Adviser Hermogenes Esperon,” ayon kay Sec. Roque.
“Hinahayaan ko muna sa kanila. Nakatutok po tayo sa COVID,”
Tinapos na ng kampo ni boxing legend Evander Holyfield ang usapin na magkakaroon sila ng laban ni Mike Tyson.
Maraming nagserbisyong atleta bilang frontliners mula nang magka-Covid-19 noong isang taon na ang upang matulungan ang bansa at ang mga mahihirap na labis na naapektuhan ng pandemya.
Tinatayang nasa P6.8 milyon halaga ng shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa isang construction worker matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.
TUMANGGI muna ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na pag-usapan ang pulitika dahil nakatutok ito sa pagtugon sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
NAKADALE na naman ng isang kampeonato si Jack Danielle Animam sa kanyang playing career nang pangunahan ang pamamayagpag ng Shin Hsin University sa 2020-21 University Basketball Alliance championship nitong LInggo sa Taiwan.
NO Time to Die, the 25th installment in the James Bond film series and Daniel Craig’s fifth and final run as Agent 007, releases new poster and reveals studio intention to move forward with an adjusted release date.
Nilinaw ngayon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) hindi na pinapayagan ang sinumang nais lumabas at pumasok sa Metro Manila batay sa context ng bubble requirement ng national government.
Pormal nang ipinayo ng Department of Health (DOH) sa publiko ang pagsusuot ng face mask sa loob ng mga tahanan kung may kasama kahit na kamag-anak.