• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 12:26 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 30th, 2021

Ex-President Estrada itinakbo sa pagamutan matapos magpositibo sa COVID-19

Posted on: March 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Itinakbo sa pagamutan matapos na magpositibo sa COVID-19 si dating pangulo at Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.

 

 

Ayon sa kaniyang anak na si dating senator Jinggoy Estrada na nanghihina ang dating pangulo kaya ito itinakbo sa pagamutan nitong Linggo.

 

 

Bagamat stable ang kalagayan ng 83-anyos na si Estrada ay patuloy ang paghingi ng dasal nito para sa agarang paggaling ng ama.

 

 

Maging ang anak nitong si dating Senator Jinggoy Estrada ay nanawagan din ng pagdarasal para sa paggaling ng ama matapos na madapuan ito ng COVID-19. ( Gene Adsuara)