Inanunsyo ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na may sampung kumpirmadong kaso ng B.1.1.7. o UK variant ng COVID-19 sa lungsod at isa naman ang merong B.1.351 o South African variant, ayon sa pinakahuling report ng Department of Health.
Ayon kay Tiangco, kabilang sa mga barangay na may ganitong mga kaso ang Brgy. Bagumbayan South, Daanghari, Navotas East, Navotas West, NBBS Kaunlaran, San Jose at Sipac Almacen.
Lahat aniya ng mga pasyente ay naka-isolate na at ang kanilang mga close contacts ay natukoy at naka-isolate na rin.
Sabi ng alkalde, ang mga variant na ito ay mas madaling naipapasa kaya maaaring isa ito sa mga sanhi ng mabilis na pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod kaya’t kailangan aniya ang dobleng pag-iingat.
“Kung bata pa at malakas ang katawan, hindi man natin iindahin ang sakit kung tayo ang mahahawaan, maaari namang severe o critical ang epekto nito sa ating mga mahal sa buhay na matatanda na o may sakit”, ani Mayor Tiangco.
“Protektahan natin ang ating kalusugan dahil kaugnay nito ang pagprotekta natin sa ating kabuhayan. Kailangan natin ang malusog na pangangatawan para makapaghanapbuhay para matustusan ang pangangailangan ng ating pamilya. Mag-ingat po at sumunod sa safety protocols para hindi mahawaan o makahawa sa iba,” paalala niya. (Richard Mesa)
INANUNSYO kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sarado sa susunod na 2 inggo ang mga gym, spa at internet cafe.
SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang ipinatutupad ngayon na polisiya na National Capital Region (NCR) Plus bubble ay hindi nangangahulugan na kawalan na ng ayuda ng pamahalaan.
KASAMA na ang mga opisyal ng local government units (LGU) sa “A4” priority na matuturukan ng Covid-19 vaccine.
KUMBINSIDO ang Malakanyang na ang di umano’y naispatan na Chinese militia vessels sa Julian Felipe Reef (Union Reefs) sa West Philippine Sea ay hindi magiging dahilan para maulit ang 2012 Scarborough Shoal (Bajo de Masinloc o Panatag) standoff.
Tinapos na ng kampo ni boxing legend Evander Holyfield ang usapin na magkakaroon sila ng laban ni Mike Tyson.
Maraming nagserbisyong atleta bilang frontliners mula nang magka-Covid-19 noong isang taon na ang upang matulungan ang bansa at ang mga mahihirap na labis na naapektuhan ng pandemya.
Tinatayang nasa P6.8 milyon halaga ng shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa isang construction worker matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.
TUMANGGI muna ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na pag-usapan ang pulitika dahil nakatutok ito sa pagtugon sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
NAKADALE na naman ng isang kampeonato si Jack Danielle Animam sa kanyang playing career nang pangunahan ang pamamayagpag ng Shin Hsin University sa 2020-21 University Basketball Alliance championship nitong LInggo sa Taiwan.