• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 1:46 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 20th, 2020

James, nilait-lait ng netizens at wala na ang ‘star quality’

Posted on: November 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAGKASAMA sina Nadine Lustre at James Reid sa taping ng 2020 ABS-CBN Christmas Station ID na titulong ‘Ikaw ang Liwanag at Ligaya’ na malapit nang mapanood.

 

Sa photos nila na lumabas, maraming netizens ang nag-react sa dating magkasintahan at maraming nanglait sa hitsura ni James na nawalan na raw ng ‘star quality’.

 

Ayon sa comments ng netizens: “Haggard ng fez ni james, anyare? Mukhang puyat na puyat.”

 

“Hindi lang haggard face ni James. Nag mukha pa siya lalo pandak sa second photo dahil sa pants niya.”

 

“Mukhang may hang over pa si james hahahahaha.”

 

“Lol bansot naman talaga si James sa lalaki. They claim na 5’8″ pero mukhang 5’6″ lang, ka height lang ni coco martin. Search nyo pa photos ni coco and james.”

 

“Parang extra na zombie sa movie ang look.”

 

“Jusko mas mukha pang fresh yung mga nasalanta ng bagyo kaysa kay james.”

 

“Bakit parang luging lugi ang facial expression ni james.”

 

“Hindi na gwapo si James. Ang layo na ng itsura nung OTWOL days nila. He is not aging gracefully.”

 

“baka nalugi talaga literally.”

 

“Nakakaloka! Ano nangyari kay James?? Nawala na ang freshness.”

 

“Wala bang I woke up like this kay Nadeng? Lagi full makeup si gurl. Tanders looking tuloy.

 

“At hilig pa pullback hairstyle na para nag receding hairline na sya. Minsan try nya subtle make up lang.”

 

“True! Kala ko ako lng nakakapansin. Nakakasawa yung mukha ni Nadzzz na lagi may make up. Para tuloy maganda lang sya kapag may make up.”

 

“Tuloy ang pasko pero bakit ang lungkot ni James?!?!”

 

“Kasi akala niya makakawala na sya sa labtim e hahaha yun pala magkasama padin sa mga ganap.”

 

“Bad lighting? They don’t look good.”

 

“Nadine has been looking really great. While James on the other hand… ayun, sinabi na nila sa comment sa taas.”

 

“Pareho lang sila noh?! Nadine looks way older than James, while James looks nalosyang.

 

“Ang cheap ng dressing rooms. Siguradong mas lalong tinipid ang station ID nila ngayon.”

 

“Malamang tipirin dahil bumagsak ang kita ng network. 75% I think.”

 

“Parang finalist si James reid ng Thats ny tomboy…”

 

“Anu nangyari kay James? He used to be cute and guwapo during otwol days… huhuhu . Wait lang , so tuloy parin serye ni James with the Korean girl? Tska sila pa ba ni Nadine? If Yes, seeing this picture wala na yung spark.”

 

“James Reid’s expression sums up 2020 lol.”

 

“baka ganun ang tema. Lungkot.”

 

“They look tired. Anong nangyari?”

 

“May tshirt merch na naman silang ibebenta. lol.”

 

“Di ko bet yon bagong design ng tshirt merch nila ngayon, mas maganda pa yon 2 years ago ba yon.’

 

“Ang tapang ng make up ni Nadine Or bad lighting lang? Pag may station ID siya ganyan lagi Style niya. Sila pa ba ni James ?”

 

“Pandemic look!”

 

“Hahaha e kasi naman pilit na pilit na si James dyan. Si Nadine kuntodo make up.”

 

“Nung medyo duda pa ako kung break na ba talaga o baka promo lang kasi lagi pa din sila magkasama e. Pero ngayon sure na ako hahaha smile naman dyan James! Lols”

 

“Looks like mag kaibigan na nga talaga sila. Nasa Aura ni James Reid hahaha.”

 

“Kng wala kayong mgandang ssbhn shut up!”

 

“Ang bilis nawala ng kinang nitong dalawang ito. Si nadine nagmukhang matrona. Syempre maganda sya sa IG kasi edited. Pero pag yung candid at walang lighting, tumanda talaga sya. James is the new Haggardo Verzosa! Yun na!”

 

“kaya pala palagi mga suot ni nadine sexy eh kasi pag ganitong simple lang suot nya wala talaga syang dating.”

 

“pareho silang walang glow.’

 

“Bakit ganyan hitsura nila? Wala nang star quality.” (ROHN ROMULO)

Pagtatatag ng alternatibong National Government Center sa New Clark City sa Tarlac, ipinag-utos ni PDu30

Posted on: November 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtatatag ng alternatibong National Government Center sa New Clark City sa Tarlac.

 

Ito’y dahil sa masyado ng prone ang Metro Manila sa mga natural disasters gaya ng lindol, baha at bagyo.

 

Nakasaad sa  Executive Order 119  na ipinalabas ng Malakanyang na inaatasan nito ang mga ahensiya na nasa ilalim ng Executive department  na magtatag ng field offices sa  National Government Administrative Center (NGAC) sa New Clark City,  na magsisilbi bilang “back-up administrative hub and may be utilized as disaster recovery center” upang matiyak na nagpapatuloy ang  public services.

 

Ang pagtatatag ng  field offices ay isasagawa ng   “phases and clusters” na idedetermina ng  National Disaster Risk Reduction and Management Council.

 

Inatasan naman ng Chief Executive ang  Bases Conversion and Development Authority na tulungan ang mga concerned government agencies sa pag-secure ng “advantageous, cost-efficient and flexible logistical and financial arrangements” na may kaugnayan sa pagtatatag ng  field offices.

 

Hinikayat din nito ang government-owned or-controlled corporations, judiciary, legislature at ang  independent constitutional body na magtatag ng tanggapan sa  NGAC.

 

“The establishment of a back-up government center outside the NCR [National Capital Region] supports the policy of addressing longstanding issues on the lack of sustainable employment opportunities in the countryside, unbalanced regional development, and unequal distribution of wealth,” ang nakasaad sa  EO.

 

Ang mga Coastal community, partikular na ang mga  nasa NCR, ay vulnerable sa subsidence, pagtaas ng sea levels at pagtaas ng panganib ng tubig-baha, ayon sa Pangulo.

 

Dagdag pa ng Pangulo, ang rehiyon ay lantad din sa banta ng “catastrophic earthquake”  na maaaring maging dahilan ng paggalaw ng West at  East Valley Faults. (Daris Jose)

TOLL ROAD INTER-OPERABILITY MALABONG MAIPATUPAD NGAYONG TAON

Posted on: November 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pero ang mandatory cashless transaction sa tollways tuloy kahit wala pang interoperability.

 

Ito ang pahayag ng DOTr at ni Toll Regulatory Board Executive Director Abraham Sales – na malabong magkaroon ng interoperability ngayong taon at baka sa 2021 pa raw. Ibig sabihin kapag ang sticker mo ay AUTOSWEEP RFID lang – pwede ito sa Skyway, SLEX, NAI AX, Star tollway, MCX at TPLEX. At kapag EASYTRIP naman pwede lang sa NLEX, SCTEX, Cavitex at CALAX. Kaya kung nalilito ka sa dalawa at malimit kang dumaan ng tollway kailangan ay mayroon ka ng parehong stickers para hindi ka maabala.

 

Bakit ba kaya hindi na lang magkasundo ang dalawang negosyante na mag karoon na ng interoperability muna bago ang deadline ng cash transaction sa December 2, 2020! Hindi ba pwede? Hindi ba kakayanin? Kung paniniwalaan ang pahayag ni TRB Executive Director Sales ay tila may malaking sagabal. Sabi niya “the planned toll collection interoperability between expressways will ONLY happen if San Miguel Corporation will cooperate with the government.  (Manila Times September 14 2020 by Lisbet K Esmael)”.  Kaya ang tanong – nag cooperate na ba ang team San Miguel na Autosweep? At kung sakaling walang cooperation ang Autosweep – sawi na ang hiling ng mga motorista na magkaroon ng isang klaseng sticker na lang?

 

May puntos si Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian na kung hindi kayang i-activate ang interoperability o pag-iisa ng sistema ng Autosweep at Easytrip ay ipagpaliban muna ang deadline ng cashless transactions sa mga tollways.  Ang sagot naman ng DOTR ay hindi pwede dahil may pandemya at baka magdulot ng paghahawa kapag may cash transaction sa tollgate. Yan lagi ang tono nila na ginagamit ang pananakot sa Covid-19 pag na-kokorner ang polisiya at tinatanong ang soundness ng plano at sistema. Bakit? Lahat na ba ng human activity ay cashless na? Bigay kayo ng bigay ng deadline hindi naman niyo ayusin yung interoperability para makagaan sa mga motorista!

 

Malapit na ang December 2 at wala pang pagasa na magkaroon ng interoperability ang mga tollway natin ngayong taon pero ipipilit pa rin ang kagustuhan ng TRB at DOTR na tuloy ang deadline para sa cashless transaction.

 

At depende sa “kooperasyon” pa ng San Miguel kung matutuloy ang pag-iisa ng Autosweep at Easytrip. Mukhang wala ng cash transaction sa tollgates pero sa iba baka meron pa.  Kawawang motorista. (ATTY. ARIEL ENRILE-INTON)

 

Team Lakay fighter Stephen Loman, tinawag ng Brave CF president bilang ‘biggest combat athlete’

Posted on: November 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA ang presidente ng Brave Combat Federation na malaki pa ang magagawa ni Team Lakay fighter Stephen “The Sniper” Loman para sa mundo ng Mixed Martial Arts (MMA).

 

Tiwalang-tiwala si Brave Combat Federation president Mohammed Shahid na madadala ni Loman sa ibang level ang MMA sa Pilipinas.

 

Sinabi pa ni Shahid na patuloy na pinatutunayan ni Loman na isa itong dakilang kampeon.

 

Tinawag niya si Loman bilang “biggest combat athlete” sa Pilipinas na kapareho raw ni fighting Senator Manny Pacquiao.

 

Itinuturing si Loman bilang longest-reigning champion sa Team Lakay sa international stage at mayroon itong MMA record na 14-2.

 

Napanalunan nito ang Brave CF bantamweight title laban kay Gurdarshan Mangat sa pamamagitan ng first-round technical knockout noong 2017.

 

Inihayag ni Shahid na nakalulungkot isipin na iilang Pilipino lamang ang nakakakilala kay Loman.

 

Gayunpaman, sinabi niyang maituturing si Loman bilang bayani dahil isa itong fighter na maipagmamalaki ng Pilipinas.

 

Isa si Loman sa mga Filipino fighter na posibleng lalaban sa kauna-unahang event ng Brave CF sa Sochi, Russia na magaganap sa January 16, 2021.

“TOM & JERRY” BIG SCREEN ADVENTURE REVEALS OFFICIAL TRAILER

Posted on: November 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TOM and Jerry take their cat-and- mouse game to the big screen. Watch the trailer for Warner Bros. Pictures and Warner Animation Group’s new comedy adventure “Tom & Jerry” now – coming to Philippine cinemas 2021.

 

Facebook: https://web.facebook.com/137782652917951/videos/456916345270610/

YouTube: https://bit.ly/tomandjerrymaintrailer

 

One of the most beloved rivalries in history is reignited when Jerry moves into New York City’s finest hotel on the eve of “the wedding of the century,” forcing the event’s desperate planner to hire Tom to get rid of him, in director Tim Story’s “Tom & Jerry.” The ensuing cat and mouse battle threatens to destroy her career, the wedding and possibly the hotel itself. But soon, an even bigger problem arises: a diabolically ambitious staffer conspiring against all three of them.

 

An eye-popping blend of classic animation and live action, Tom and Jerry’s new big-screen adventure stakes new ground for the iconic characters and forces them to do the unthinkable… work together to save the day. “Tom & Jerry” stars Chloë Grace Moretz (“The Addams Family”), Michael Peña (“Dora and the Lost City of Gold,” “Ant-Man”), Rob Delaney (“Deadpool 2,” “Fast & Furious Presents: Hobbs & Shaw”), Colin Jost (“How to be Single”), and Ken Jeong (“Crazy Rich Asians,” “The Hangover”).

 

The film is directed by Tim Story (“Fantastic Four”) and produced by Chris DeFaria (“The LEGO Movie 2,” “Ready Player One,” “Gravity”).

 

It is written by Kevin Costello, based on characters created by William Hanna and Joseph Barbera. Serving as executive producers are Tim Story, Adam Goodman, Steven Harding, Sam Register, Jesse Ehrman, and Allison Abbate. The creative filmmaking team includes director of photography Alan Stewart, production designer James Hambidge, editor Peter S. Elliot, and costume designer Alison McCosh. The music is composed by Christopher Lennertz.

 

“Tom & Jerry” will be distributed by Warner Bros. Pictures, a WarnerMedia Company. Join the con- versation online and connect with #TomAndJerryMovie (ROHN ROMULO)