• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 4:12 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 tulak, nalambat sa Malabon, Navotas drug bust

LAGLAG sa selda ang dalawang hinihinalang sangkot sa pagtutulak ng iligal na droga matapos nalambat ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon at Navotas Cities.
          Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio, kinilala ni Malabon Police OIC chief P/Col. Allan Umipig, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA kontra kay alyas “Charl”, 30, massage therapist ng Brgy. 14, Caloocan City.
          Dakong ala-1:30 ng madaling araw nang makipagtransaksyon umano ang suspek sa isang pulis na nagpanggap na buyer na nagresulta sa kanya sa P. Aquino St., Brgy. Tonsuya.
          Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 140 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may katumbas na halagang P16,800 at buy bust money.
          Sa Navotas, natimbog naman ng mga tauhan ni Navotas Police OIC Chief P/Col. Renante Pinuela Ang 46-anyos na tulak sa buy bust operation sa Road 10, Brgy., NBBN at nakuha sa kanya ang nasa 4.99 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P33,932.
          Sasampahan ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 under Article II ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Malabon at Navotas Cities Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)