2 SPORTS COMPLEX SA METRO MANILA, ISASARA
- Published on August 13, 2020
- by @peoplesbalita
PANSAMATALANG isasara ang dalawang sport complex sa Metro Manila, ayon sa Philippine Sports Commission.
Ayon sa kanilang facebook page, sinabi ng Philippine Sports Commission na ang Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila at PHILSPORTS Complex sa Pasig City ay sasailalim sa complete lockdown simula ngayong Agosto 12.
Ayon sa PSC, ito bahagi ng kanilang health security protocol matapos magpositibo sa RT-PCR testing para sa COVID-19 ang isa nilang staff.
Hiniling naman ni PSC Chairman William Ramirez ang pang-unawa ng publiko .
Maglalabas na lamang ng abiso kung kelan muli bubuksan ang dalawang complex. (GENE ADSUARA)