• November 30, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: December 1, 2025
    Current time: December 1, 2025 7:55 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 PEKENG PINOY, INARESTO SA LAGUNA

INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaaresto ng dalawang Chinese national na nagpanggap na mga Pinoy sa isang operasyon sa Laguna.
Kinilala ang mga naaresto na sina Chen Yian and Hong Ping Ping na nagpanggap na mga Filipino upang illegal makakuha ng permiso ng mga baril.

Ikinabahala naman ito ng mga awtoridad na ang paggamit ng Philipine citizednship documents upang makakuha ng permiso mga baril ay isang security threat at isang detriminal sa national security.
Nahuli ang mga suspek sa Magsaysay Road sa Brgy. San Antonio, San Pedro, Laguna sa bisa ng mission order na inisyu ni BI Commissioner Joel Anthony Viado.
Tatlo pang Chinese nationals ang inaresto na kinilalang si Cai Weixin, Li Rongpo, at Cai Junqiu na nagtatrabaho sa kumpanya na paglabag sa Philippine immigration laws.

Ang limang inaresto ay unang dinala sa BI Main Office para sa documentation bago dinala sa BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa Bicutan, Taguig City.
(Gene Adsuara)