2 milyong deal sa COVID-19 vaccine selyado na
- Published on November 28, 2020
- by @peoplesbalita
Nilagdaan na ng gobyerno ng Pilipinas at ng Astrazeneca ng United Kingdom ang isang tripartite agreement para sa gagawing pagbili ng bakuna ng Covid-19.
Sinabi ni Vaccine Czar At NTF chief implementer Carlito Galvez, resulta ito ng naging magandang pakikipag-usap ng pamahalaan sa biopharmaceutical company na Astrazeneca.
Sa tripartite agreement, sigurado na ang pagbili ng Pilipinas ng nasa 2 milyong doses ng Astrazeneca Covid-19 vaccine.
Aniya pa, magbibigay daan din ito para magkaroon ng partisipasyon ang private sector sa gagawing pag-aangkat ng bansa ng bakuna.
Kabilang pa sa mga nangunguna sa pagdebelop ng bakuna ang Pfizer, Moderna, Sputnik V ng Russia na pawang nagsabi na higit 90 porsyento na ang bisa ng kanilang produkto. (Daris Jose)