• April 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 milyon pa lang ang nabigyan ng Covid-19 booster sa PinasLakas campaign ng DOH

HIGIT 2 milyong katao pa lang ang nabakunahan ng booster shot sa ilalim ng PinasLakas campaign ng Department of Health.

 

 

Nasa 2.1 milyon pa lang ang nakakuha ng booster shot sa loob ng 23 milyong target mabakunahan sa unang 100 days ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Oktubre.

 

 

Nasa 25,638 pa lang ang mga senior citizen na nabakunahan o maliit na porsyento ng 1.07 milyon na target.

 

 

Ito ay kahit pa puspusan ang hakbang ng DOH para ilapit ang bakuna sa publiko. (Daris Jose)