• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 6:24 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 HIGH VALUE TARGET ARESTADO SA ANTI-DRUG OPERATION NG PDEA, 50 GRAMO NG SHABU NASAMSAM

ARESTADO ang dalawang high-value target sa matagumpay na anti-drug operation na pinagsama-samang isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 9 (PDEA RO9) at mga law enforcement partners sa Purok 1, Barangay Crossing Sta. Clara, Naga, Zamboanga Sibugay bandang 5:45 AM noong Agosto 27, 2025.


Ang pagpapatupad ng search warrant ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng humigit-kumulang 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng MOL PhP 340,000.


Nasamsam sa operasyon ang pitong (7) heat-sealed transparent plastic sachet at isang (1) self-sealing plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu, kasama ang ilang ebidensiya na hindi droga kabilang ang mga mobile phone, financial transaction card, resibo, at bank records.


Arestado sa operasyon sina alyas "Jayson", 39 taong gulang, negosyante, (Regional Target-listed); at alyas "Juvy", 32 taong gulang, negosyante (Target-listed). Kapwa residente ng Barangay Crossing Sta. Clara, Naga, Zamboanga Sibugay.


Ang operasyon ay isinagawa ng magkasanib na operatiba ng PDEA RO9–Zamboanga Sibugay Provincial Office, na may suporta mula sa Provincial Drug Enforcement Unit-Zamboanga Sibugay, Naga Municipal Police Station, at 106th Infantry Battalion ng Philippine Army.


Mahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Ang PDEA RO9, kasama ang mga katuwang nito, ay patuloy na pinaiigting ang kanilang kampanya laban sa droga upang alisin sa mga komunidad ng Zamboanga Peninsula ang iligal na droga at panagutin ang mga sangkot sa kalakalan ng droga. (PAUL JOHN REYES)