2 Call Center agents na ni-recruit na magtrabaho sa Laos, ni-rescue
- Published on February 18, 2025
- by Peoples Balita
HINARANG ng Bureau of Immigration (BI sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang dalawang indibidwal na nagpanggap na magkasama sa trabaho at magbabakasyon.
Sa ulat ng BI Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES), ang dalawang babae na may edad 25 at 31 ay tinangkang sumakay ng biyehng Bangkok, Thailand bilang mga turista at nagtatrabaho bilang mga call center agents sa Quezon City.
Pero nang kanilang ipakita ang kanilang mga dokumento ay hindi tumutugma sa kanilang naunang mga sinabi na sa bandang huli ay inamin na hindi sila magkasama sa trabaho kundi ni-recruit lamang sila upang magtrabaho sa Laos bilang mga Customer Representative na may P50,000 buwang suweldo.
Inamin din na nagbayad sila ng P3,000 sa isang fixer na nakilala nila sa social media.
“We strongly advise Filipinos to be cautious when accepting job offers abroad, especially those that seem too good to be true,” ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado . “Many of these so-called call center jobs turn out to be fronts for large-scale scam operations that exploit and endanger our fellow countrymen.”
Ang mga biktima ay nasa pangangalaga ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para imbestigahan. (Gene Adsuara)