• January 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 bagong renovate na health centers, pinasinayaan sa Navotas

PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco ang pagpapasinaya sa dalawang bagong renovate na health centers sa Navotas City, ang Phase 2 Area 1 Health Center sa Brgy. NBBS Dagat-dagatan at Tanza Health Center and Lying-in Clinic. Ani alkalde, ang pagkakaroon ng maayos na health center ay isa sa mga daan para patuloy na itaas pa ang antas ng kalusugan ng mga mamamayan. Hinikayat din niya ang mga NavoteƱo na pangalagaan ang kanilang kalusugan sa pamamagitan ng pagbuo ng magandang habits tulad ng pagkain ng healthy food at pag-eehersisyo.
( Richard Mesa)