• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 8:08 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 bagong rekord, naitala muli sa Palarong Pambansa 2025

PATULOY ang pag-ulan ng mga bagong rekord sa Palarong Pambansa 2025 sa Ilocos Norte matapos makapagtala ng panibagong kasaysayan ang mga batang atleta mula sa Central Luzon at Western Visayas.
Nailista ni Alfred Talplacido ng Central Luzon ang panibagong rekord sa secondary boys’ 400m matapos magtala ng oras na 48.10 segundo, lampas sa dating rekord na 48.7 segundo na nakuha noon ni Jomar Udtohan noong 2014.
Nasundan siya nina John Clinton Abetong ng CALABARZON na nagtala ng 48.61s at Kian Labar na may 48.92s, para sa silver at bronze.
Sa event ng discus throw, bumida si Josh Gabriel Salcedo ng Western Visayas (Antique) na may itinalang 45.52 metro, lagpas sa dating rekord na 42.86m na hawak ni Airex Gabriel Villanueva noong 2023.