2 Azkals stars sinusulot ng Thailand
- Published on November 20, 2020
- by @peoplesbalita
Nakakuha ng offer mula sa Thailand league si Jarvey Gayoso matapos ang kanyang kampanya sa Azkals Development Team sa Philippines Football League (PFL).
Isiiniwalat ito ni ADT coach Scott Cooper na target umanong kuhanin ng Thai clubs ang serbisyo ni Gayoso matapos nitong mapanood ang laro nito sa kakatapos na PFL bubble kung saan nagtapos ang kanilang koponan sa 3rd place.
Maging ang teammate ni Gayoso na si Mar Vincent Diano ay may offer din sa Thailand.
“I got two or three teams in Thailand wanting to sign Jarvey Gayoso, wanting to sign Diano,” ani Cooper. “The Thai teams watched the games and they said they like to see him in an attacking midfield role where I think he finished off the season quite well.”
Nang tanungin kung anong team sa Thailand ang kumukuha sa dalawang Pinoy, sinabi lang nito na: “Good teams.”
Isa ang Thailand sa may pinakalukratibong football leagues sa Southeast Asia kung saan ilang Azkals players ang naglalaro kagaya nina Patrick Deyto, Patrick Reichelt, Carli De Murga, at Amani Aguinaldo.