2 alamat sa ‘Apprentice’
- Published on March 26, 2021
- by @peoplesbalita
TATASAHAN nina dating Mixed Martial Arts champion Georges St-Pierre ng Canada at jiu-jitsu legend US-based Brazilian Renzo Gracie ang 16 na kandidato sa Episode 2 ng The Apprentice: ONE Championship Edition.
Bantog din sa tawag na ‘GSP’ ang 39 na taong-gulang at may taas na 5-10 na si St-Pierredahil sa pagiging isa mga astig sa MMA sa lahat ng panahon.
Isang alamat na rin sa MMA si Gracie, 54 na taon na, at 5-10 ang taas, lalo na pagdating sa jiu-jitsu ng Brazil na gaya counterpart bisita sa reality show.
May dalawang pambato ang ‘Pinas sa The Apprentice: ONE Championship Edition” na may 13 episodes. Sila ay sina Lara Pearl Alvarez at Louie Sangalang.
Pinapalabas din ito sa bansa tuwing Huwebes ng alas-8:50 nang gabi sa AXN cable network, at kapag Lunes ng alas-9:00 nang gabi sa One Sport. (REC)