2.2 milyong mag-aaral, mabebenepisyuhan ng ‘Libreng Sakay’ ng LRT-2
- Published on August 18, 2022
- by @peoplesbalita
INIHAYAG ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Atty. Hernando T. Cabrera na tinatayang aabot sa 2.2 milyon ang mga mag-aaral na makikinabang sa ‘Libreng Sakay’ program na ipagkakaloob ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa unang quarter ng School Year 2022-2023.
Ayon kay Cabrera, ang ‘Libreng Sakay’ program ng LRT-2 ay nakatakdang simulan sa Agosto 22 hanggang Nobyembre 5, 2022, alinsunod na rin sa kautusan ni Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr..
Ani Cabrera, bago pa man ang pandemya, ang tipikal na weekday average ridership ng LRT-2 ay nasa 90,000-100,000 kada araw.
Siniguro rin niya na naghanda na sila ng sistema upang matiyak ang ligtas, maayos at episyenteng pagpapatupad ng programa.
“We have prepared a system to ensure the safe, smooth, and efficient implementation of the program in compliance with the directive of the Department of Transportation,” aniya pa sa isang pahayag.