18 bata at 1 adult patay sa pamamaril sa isang paaralan sa Texas
- Published on May 26, 2022
- by @peoplesbalita
PATAY ang 18 bata at 1 adult matapos na sila ay pagbabarilin sa isang elementary school sa Texas.
Kabilang sa nasawi ang 18-anyos na suspek na namaril sa Robb Elementary School.
Pawang mga mag-aaral ang nasawi at isang guro ang namatay.
Hindi pa inilalabas ng mga otoridad ang detalye ng pagkakakilanlan ng naarestong suspek.
Samantala, ipinag-utos ni US President Joe Biden ang paglalagay sa half-mast ang kanilang watawat sa lahat ng pampublikong gusali at lugar sa US.
Ito ay kasunod ng nangyaring madugong pamamaril sa isang Robb Elementary School sa Uvalde, Texas na ikinasawi ng 18 na mag-aaral at isang guro.
Magsisimula ito ngayong Mayo 25 hanggang Mayo 28 ang paglalagay sa half-mast ng kanilang watawat.
Magugunitang nasawi rin ang suspek sa pamamaril sa nasabing paaralan matapos na ito ay makasagupa ng mga otoridad.