• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

15 Quad Comm hearings nagresulta sa 5 panukala, kasama na ang criminalizing EJKs, POGO ban

NASA limang major na panukalang batas ukol sa extrajudicial killings, offshore gaming operations, land fraud, identity falsification at espionage ang naihain sa ginawang 15 marathon hearings na nagsagawa ng pinal na.

Kabilang sa mga panukala ay ang House Bill No. 10986 na nagka-klasipika sa extrajudicial killing bilang isang heinous crime at paglalaan ng reparations sa pamilya ng biktima; House Bill No. 10987 na nagbabawal sa lahat ng uri ng offshore gaming operations sa Pilipinas; House Bill No. 11043, na naglalaan ng civil forfeiture ng real estate na iligal na nabili o nakuha ng foreign nationals; House Bill No. 11117, na nagbibigay kapangyarihan sa estado na magkansela sa birth certificates na nakuha sa pamamagitan ng iligal na paraan at House Bill No. 10998, na nagpapataw ng and proposal to commit espionage.

Nagsagawa ng pagdinig ang Quad Comm kaugnay sa EJKs na naganap sa madugong drug war ng Duterte administration na ikinamatay ng libong pinoy.

Pinapurihan naman ni Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante, co-chair ng Quad Comm at chairman ng House Committee on Human Rights ang mga whistleblowers at saksi na tumestigo sa pagdinig.

“All this has been possible because good people chose not to be silent… To them, we say this: you may escape our reach, but not the long arms of the law,” ani Abante.

Sinabi naman ni Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen “Caraps” Paduano, co-chair ng House Quad Comm at chair naman ng House Committee on Public Accounts, na lumabas sa pagdinig na kailangang harapin ang realidad na may mga pinoy at Chinese nationals na hinayaang magpagamit para paghati-hatiin ang sambayanang Pilipino.

Nabunyag din sa komite ang birth certificate fraud scheme na ginamit ng Chinese nationals para makapag-operate ng business at makabili ng lupa.

“These unscrupulous individuals would deliberately resort to illegal means… to lend a semblance of legitimacy to their unlawful intentions,” dagdag nito.

(Vina de Guzman)