• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 6:49 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

14,000 MOTORCYCLE TAXI RIDERS, NAGBANTA NG MASS LAYOFF KUNG HINDI TUTUGUNAN NG PAMAHALAAN ANG APELA NG MOVE-IT

NAGBANTA ng mass layoff ang mahigit sa 14,000 motorcycle taxi riders na posibleng magdulot ng abala sa libo-libong pasahero.
Ito ay kung hindi tutugunan ng pamahalaan ang apela ng Move-It laban sa inilabas na kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Batay kasi sa April 2025 order, pinababawasan ang bilang ng mga rider ng Move-It at pinatitigil ang kanilang operasyon sa Cebu at Cagayan de Oro.
Sa supplemental motion na inihain ng Move-It, kanilang hinihiling sa motorcycle taxi technical working group na itigil muna ang pagpapatupad ng naturang kautusan.
Ayon sa Move-It, walang due process ang order dahil ibinase lang umano ito sa isinagawang hearing kung saan kulang ang myembro ng technical working group at wala ring kinatawan ng kumpanya o ng mga rider
Maging ang kanilang pagsunod sa alokasyon ng rider o ang guidelines ng implementation program para sa motorcycle taxis ay binalewala sa desisyon.
Giit ng Move-It, ang pagpapatupad ng nasabing order ay magreresulta sa pagkawala ng hanapbuhay ng halos 7,000 rider sa Metro Manila, 3,000 sa Cebu, at 3,000 sa Cagayan de Oro at ang epekto sa mga pasaherong umaasa sa Move-It bilang abot-kaya, ligtas, at mabilis na opsyon sa transportasyon.
Dagdag ng kumpanya, kung patatagalin pa ang pagresolba sa kanilang apela, hindi lang mga rider ang mawawalan ng kabuhayan kundi tiyak ding mahihirapan ang publiko, lalo na’t may nakaambang rehabilitasyon sa edsa sa susunod na buwan. (PAUL JOHN REYES)