• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:30 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

14 indibidwal, nasagip ng PCG

NASAGIP ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 14 indibidwal na sakay ng MBCA Ayoshi  Kim Rin  8 na lumubog sa karagatan sa pagitan ng Baicasag Island at Panglao, Bohol  noong Martes, Pebrero 24.

Nang matanggap ang impormasyon, agad tumugon ang Coast Guard Sub-Station (CGSS) Balicasag sa nasabing lokasyon at nagbigay ng kinakailangang tulong.

 

Ligtas na inilipat ng rescue team ng Coast Guard ang 12 pasahero, isang boat captain, at isang crew member ng distressed motorbanca sa MBCA Nika at Niah Naj.

 

Hinila naman ang motorbanca patungo sa baybayin ng Panglao.

 

Lumabas sa imbestigasyon na nag-malfunction at huminto ang  motorbanca habang patungo sa Panglao, dahilan para mawalan ito ng kontrol  lalo na ay nakasagupa ang malalaking alon at malakas na agos na nagdulot ng pinsala sa bangka.

Nasa maayos namang kalagayan ang lahat ng nasagip na indibidwal at itinurn-over sa Municipal Environment and Natural Resources Offices (MENRO) Pangalo para sa karagdagang tulong. (Gene Adsuara)