’12-day of war’ tapos na – Iran
- Published on June 27, 2025
- by @peoplesbalita
INANUNSIYO ni Iranian President Masoud Pezeshkian nitong Martes ang “pagtatapos ng 12-araw na digmaan.”
Hinimok din ng Presidente ang lahat ng mga kinatawan ng gobyerno at mga revolutionary institution na ituon ang lahat ng kanilang mga pagsisikap sa pagsasaayos ng mga nasirang gusali at lugar.
“Today, after your brave and historic resilience, we witness a ceasefire and the end of the 12-day war imposed on the Iranian nation by the adventurism of Israel,” sinabi ni Pezeshkian sa kanyang mensahe sa mga mamamayan ng Israel matapos ipatupad ang ceasefire.
Sinabi rin ni Pezeshkian na hindi nagtagumpay ang kanilang kalaban na sirain ang kanilang mga nuclear facilities.
“The aggressive enemy failed to achieve its nefarious goals of destroying nuclear facilities and undermining nuclear knowledge, as well as inciting social unrest,” sabi ni Pezeshkian.
Napaulat na sa isang tawag sa telepono sa Pangulo ng United Arab Emirates na si Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan, sinabi ni Pezeshkian na handa ang kanyang bansa na lutasin ang mga isyu sa loob ng international frameworks at negotiating table.
Noong Hunyo 13, naglunsad ang Israel ng malalaking airstrike sa iba’t ibang lugar sa Iran, kabilang ang mga nuclear at military sites, na ikinamatay ng mga senior commander, nuclear scientist, at mga sibilyan.
Tumugon ang Iran sa pamamagitan ng paglulunsad ng ilang mga pag-atake ng missile at drone sa Israel, na nagdulot din ng matinding pinsala.
Kasunod ng pag-atake ng Iran, inihayag ni US President Donald Trump ang tigil-putukan sa pagitan ng dalawang bansa. (Daris Jose)