1,114 iskul sasalang sa dry run ng face-to-face classes
- Published on December 18, 2020
- by @peoplesbalita
Nasa 1,114 paaralan ang inirekomenda ng Department of Education (DepEd) para magsagawa ng dry run sa face-to-face classes sa mga lugar na low risk sa COVID-19.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ang mga regional directors ng ahensiya ang nagrekomenda sa naturang mga paaralan pero sinabi ni Briones na kailangan pang suriin kung nagpapatupad ng health protocols ang naturang mga eskwelahan at kung aprubado ng mga magulang at local government units.
Maaari aniyang mabawasan ang bilang ng mga nominated schools oras na dumaan na ang mga ito sa kaukulang pagsusuri at pagkilatis.
Una nang pinayagan ng Malakanyang na makapagsagawa ng dry run para sa face-to-face classes sa mga lugar sa bansa na walang kaso ng COVID-19.
Gayunman, hindi compulsary at dapat boluntaryo ito kaya kailangan pa rin magsumite ang mga magulang ng permiso para makasali ang kanilang mga anak.
Itinakda ng DepEd sa Enero 11-23, 2021 ang dry run habang sa huling linggo ng EneĀro ay ilalaan ang submission ng reports sa kinalabasan ng pilot face-to-face classes at evaluation para sa pinal na rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte. (Daris Jose)