1 RIDER, PATAY, 2 SUGATAN SA SALPUKAN
- Published on October 24, 2023
- by @peoplesbalita
NASAWI ang isang rider habang sugatan ang dalawa pang back rider nang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Malate, Maynila kahapon ng madaling araw.
Sa ulat mula sa MPD-Traffic Enforcement Unit, nakilala ang nasawi na si Orlie Magtibay y Villanueva, rider ng Honda click na my plakang 7330 IW .
Sugatan naman sina Aldrin Magtibay ,23; at Kristine Marie Templa,21 taong gulang.
Nangyari ang insidente ala 1:30 ng madaling araw ng Lunes sa Eastbound ng Quirino Ave.,corner Mabini St,Malate Manila .
Sa imbestigasyon, binabagtas ni Magtibay ang eastbound lane ng Quirino avenue at pagsapit sa kanto ng Mabini St, ay nabangga nito ang kanang bahagi ng motorsiklo na minamaneho naman ni Regine de Leon,30, na galing ng westbound ng nasabing lugar na dapat sana ay liliko pakaliwa patungong southbound lane ng Quirino Avenue.
Dahil sa malakas na impact o pagkakabangga, tumilapon si Magtibay kaya nagtamo ng matinding pinsala sa ulo na nagresulta ng agarang nitong pagkamatay.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng traffic bureau para sa pagsasampa ng kaukulang kaso sa Manila Prosecutors Office.GENE ADSUARA