1 istasyon idadagdag sa LRT 1 Cavite Extension
- Published on June 18, 2025
- by @peoplesbalita
MADADAGDAGAN ng isang (1) istasyon ang Light Rail Transit Line 1 (LRT1) Cavite
Extension na itatayo malapit sa mga commercial na lugar na inaasahang magkakaron ng paglago ng ekonomiya.
Ito ang pinahayag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon sa isang press conference na ginawa kamakailan lamang.
Ang karagdagang expansion ay ang estasyon ng Talaba sa lumalagong bayan ng Bacoor, Cavite na nagkakahalaga ng P3 bilyon.
“The project would require P3 billion which the DOTr is financing through its own budget instead of passing over the cost to LRT 1 operator Light Rail Manila Corp. (LRMC),” wika ni Dizon.
Ang istasyon ng Talaba ay itatayo sa pagitan ng dalawang istasyon, ang Zapote at Niog. Kapag natapos na ang buong proyekto ay magkakaron ng turn-over sa pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC).
Ayon sa pinakabagong timeline, ang ikalawang bahagi ng LRT 1 Cavite Extension ay naitalang matatapos at bubuksan sa 2028. Ang nasabing bahagi ay nasasakop ang 2 istasyon ng Las Pinas at Zapote.
Pagkatapos nito ay ang LRMC na ang siyang mamahala sa ika-tatlong bahagi ng pagtatayo hanggang matapos ang proyekto sa 2030 kung saan magkakaron na ng diretsong paglalakbay simula sa lungsod ng Quezon hanggang Cavite.
“We are asking the Department of Budget and Management to include funding for the Talaba station in its expenditure program for next year,” saad ni Dizon.
Sa kabuuhan ng proyekto ay sinabi ni Dizon na may progreso na ang ginagawang acquisition ng right-of-way (ROW) para sa bahagi ng Las Pinas at dahil dito ay kumpiyansa si Dizon na mabubuksan na ito sa 2028.
Dagdag pa ni Dizon na nakahanap na rin sila ng solusyon tungkol sa infrastructure
overlap sa bahagi ng Cavite. Dapat sana ay sasailalim ang extension sa isang realignment dahil isang flyover ang nakatayo na dadaanan ng extension.
“This issue was already addressed through an engineering solution that would no longer require LRMC to adjust the alignment. This gives the concessionaire a clear path to
proceeding with the civil works as long as ROW are being transferred to it,” dagdag ni Dizon.
Inaasahang tataas pa sa 800,000 na ridership ng LRT 1 kapag natapos na ang
extension papuntang Bacoor habang ang travel time ay magiging 25 minuto na lamang mula Taft hanggang Bacoor, Cavite.
Sa ngayon ay operasyonal na ang limang (5) istasyon. Ito ay ang Redemptorist
-Aseana, MIA Road, PITX, Ninoy Aquino Avenue, at Dr. Santos. Magkakaroon din ng istasyon sa Las Pinas, Zapote at Niog sa Cavite.
Ang LRT 1 ay isa sa pinaka-busy na mode ng transportasyon sa Metro Manila na
pag-aari ng pamahalaan sa ilalim ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ng DOTr. Ang
LRMC naman ang siyang namamahala sa operasyon at nagmimintana ng LRT 1 dahil sa isang concession. LASACMAR