𝗚𝗿𝗮𝘁𝗶𝘁𝘂𝗱𝗲 𝗶𝗻 𝗖𝗼𝘂𝗻𝘁𝗶𝗻𝗴: 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗹𝘂𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗔𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗕𝗶𝗹𝗶𝘀 𝗙𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆 𝗣𝗿𝗼𝗳𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴, isinagawa
- Published on July 22, 2025
- by @peoplesbalita
ISINAGAWA noong Hulyo 11, 2025 sa Sto. Tomas , Batangas ang programang “𝗚𝗿𝗮𝘁𝗶𝘁𝘂𝗱𝗲 𝗶𝗻 𝗖𝗼𝘂𝗻𝘁𝗶𝗻𝗴: 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗹𝘂𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗔𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗕𝗶𝗹𝗶𝘀 𝗙𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆 𝗣𝗿𝗼𝗳𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴” sa pangangasiwa ng Health Education and Promotion Unit (HEPU).Dinaluhan ito ng humigit-kumulang 250 katao na binubuo ng mga Barangay Health Education Promotion Officers, Forever Young Coordinators, Barangay Councilors for Health, at mga Barangay Secretaries, silang lahat ay naging katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng Family Profiling na sinimulan noong Nobyembre 2022 at natapos noong Disyembre 2024.
Layunin ng aktibidad na ito na ibalik ang mga resulta ng profiling sa kani-kanilang barangay at kilalanin ang dedikasyon at pagsusumikap ng mga kasamahan sa sektor ng kalusugan sa matagumpay na pangangalap ng datos para sa mas episyenteng paghahatid ng serbisyo.
Buong suporta ang ibinibigay ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan, Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez, Arnielyn Marasigan- Aguirre MD-MBA Executive assistant, Health Education and Promotion Adviser at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, bilang pagkilala sa kahalagahan ng family profiling upang patuloy na makapaghatid ng epektibo at napapanahong serbisyo sa bawat Tomasino. ( Boy Morales Sr.)