• April 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

๐๐š๐ง๐ฎ๐ง๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐šย ๐ฌ๐šย ๐“๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐ฎ๐ฅ๐ข๐งย ๐ง๐ ย ๐ฆ๐ ๐šย ๐๐š๐ ๐จ๐ง๐ ย ๐‡๐š๐ฅ๐š๐ฅย ๐ง๐šย ๐Ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅย ๐ง๐ ย ๐‹๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ย ๐ง๐ ย ๐’๐ญ๐จ.ย ๐“๐จ๐ฆ๐š๐ฌ, Batangas

OPISYALย nang nanumpa sa tungkulin ang mga bagong halal ng Lungsod ng Sto. Tomas, Batangas sa pangunguna ng buong Team AJAM, ni City Mayor Atty.Arth Jhun Aguilar Marasigan at

Vice-Mayor Cathy Jaurigue-Perez, bilang Re-Elected City Vice- Mayor. Ginanap ito araw ng Lunes, Hunyo 30, 2025 sa Consuelo Park Pavilion, First Philippine Industrial Park (FPIP).

“Sa tulong, tiwala, at pagmamahal ng bawat Tomasino ay nanalo rin at mabibigyan ng pagkakataong makapaglingkod pa para sa bawat Tomasino, ” pahayag ni Mayor Ajam.

” Nagpapasalamat po kami higit sa Panginoon, sa pagbibigay gabay sa ating lahat para magkaroon ng ligtas at matiwasay na halalan,” turan naman ni Vice – Mayor Cathy Perez.

“Sa lahat po ng nakasama natin sa labang ito, maraming maraming salamat po! Ang tiwala at pagmamahal ninyo ang nagluklok sa amin at hinding hindi po namin kayo bibiguin, mga minamahal naming Tomasino,” pangako ng mga bagong halal na opisyal.

Tuloy ang serbisyo! Tuloy ang trabaho!

(Text & Photos by Boy Morales Sr.)