Thankful na hindi sila nagmadali noon… Relasyon nina GABBI at KHALIL, mag-iisang dekada na
- Published on February 20, 2026
- by @peoplesbalita
NINE years na pala ang relasyon nila Gabbi Garcia and Khalil Ramos.
Parang ang bilis ng panahon dahil parang kailan lang ay nililigawan pa lang ni Khalil si Gabbi after nilang magsama sa isang pelikula. Ngayon ay mag-iisang dekada na ang samahan nila.
Sa panahon kasi na bigla na lang naghihiwalay ang ilang showbiz couples after ng ilang taong sa kanilang relasyon, thankful sina Gabbi at Khalil dahil hindi raw sila nagmadali noon.
“Once we wanted to make this work, it was at the same time. It was simultaneous to making yourself improve and grow,” sey ni Khalil sa slow-burn love story nila ni Gabbi.
Sey naman ni Gabbi: “It was a conscious effort for the both of us to work on ourselves individually and not consume each other just because you’re in a relationship. Because if your partner isn’t secured individually, it won’t ever work.”
Sa isang teleserye pa lang nagsama ang dalawa (‘Love You, Stranger’ in 2022), mas madalas silang mag-travel sa iba’t ibang bansa.
Lumabas sila sa bagong music video ng Ben&Ben na “Duyan”.
***
BINALIKAN ni Pambansang Ginoo David Licauco ang ilang alaala niya sa yumaong lolo na si parapsychologist Jaime Licauco.
“Pag-bend ng fork, titingnan lang niya ‘yung [fork], magbe-bend na. ‘Yung toothpick, napapagalaw niya. Siyempre ‘pag bata ka, ‘yun lang naman mapapansin mo, maalala mo,” kuwento ni David.
Dahil isa sa mga respetadong tao sa larangan ng pag-aaral ng psychic phenomena ang kanyang Lolo Jaime, minsan na ring pumasok sa isip ni David na baka paranormal ang ugat ng kanyang sleep apnea.
Matatandaang matagal nang iniinda ni David ang kundisyong ito at sumailalim pa sa operasyon noong 2024.
“Akala ko before, ‘yung sleep apnea ko paranormal kasi binabangungot ka eh. Naalala ko, nakatingin ako sa wall tapos sinusuntok ko ‘yung wall eh. ‘Tigilan mo na ako.’ Ganyan. But actually, wala naman kasing hangin sa wall, eh. ‘Di ba ‘pag sleep apnea, kailangan mo ng hangin,” paggunita ng aktor.
Bukod sa pagiging paranormal expert, isa ring published author, newspaper columnist, at lecturer ang kanyang lolo.
Marami daw siyang natutunan mula dito at sinikap niyang gamitin ang mga ito sa pagiging isang businessman.
***
NAG-VIRAL ang video ng troubled Hollywood actor na si Shia LaBeouf habang nakikipagbardagulan siya sa isang bar sa New Orleans.
Sa nakunan na video ng TMZ video, makikita ang 39-year old actor na hine-headbutt ang isang lalaki at pinuwersa siyang dumapa sa kalsada.
Nangyari ang gulo sa French Quarter, sa may Royal Street, kunsaan inaresto si LaBeouf nang madaling araw. Inireklamo ang aktor for assault and he is now facing two charges of simple battery.
Dinala rin si LaBeouf sa isang ospital para magamot ang mga sugat niya.
Noong nakapagpiyansa, nakita si Shia na sumasayaw sa kalsada, wearing Mardi Gras beads at ang kanyang jail release paperwork ay nasa bibig niya.
Napag-alaman ng TMZ na hiwalay na pala si LaBeouf at ang wife niyang Mia Goth last year. Meron silang 3-year-old daughter.